21.
TANYA SOFIA'S POV"Bestfriend alam mo ba yung tulips na binigay mo nalanta na pero saan ka nga ba bumili nun?"
"Sa Tita ko, libre lang yun. Sa Bloom Flower Shop."
"Ah, nadadaanan natin yun diba?"
"Oo."
Makabili nga lanta na yung samin. Favorite ko pa naman yun. I want to see tulips every morning. Pumasok na kami sa last class namin ni Thessa.
//
"Kanina ka pa Thessa sino bang hinahanap mo?" tanong ko. Kasi nag-aala giraffe yung leeg niya.
"Wala, may tinitingnan lang ako."
"Sino?"
"Anong sino, hindi tao, yung bulalak na naiwan ko kahapon kung nandito pa," sagot nito.
"Ah. Wala na yun."
Bulaklak? Matagal ng tapos ang Valentines may bulaklak pa rin.
"Thessa, kanina ka pa bakit ba?"
"Pumasok ba si Vhon?" tanong nito.
Aba, himala hinahanap niya si Vhon. Nag-iimprove itong si bestfriend Thessa ha.
"Naku bestfriend di ba nagpaalam sayo pupunta siya sa Manila."
"Manila? Bakit daw?"
"Ewan ko!"
RUTHESSA JANE'S POV
Sa Manila! Bakit siya pupunta dun anong gagawin niya dun.
"Tara na umuwi," aya ko. Pumayag naman si Sofia. Pagkarating ko sa bahat inalok ako ni Kuya na maupo muna pero tumanggi ako.
Tinawagan ko si Vhon pero naka-off ang phone niya.
To: Vhon Arcega
Bakit nasa Manila ka? Anong ginagawa mo dyan? Bakit di ka nagpaalam sakin kay Sofia mo lang sinabi? Vhon naman! Nakakatampo ka.Inintay ko siyang magreply. Kasi naman bakit ba siya di nagpaalam sa akin. Nakakainis!
"Reply ka naman Vhon."
"Bakit ang tagal mo magreply?"
"Vhooon!!!"
"Hays ano ba. Hoy Vhon!"
"Jane okay ka lang ba? Kanina ka pang ganyan.
"Si Vhon kasi di nagpaalam sakin," inis kong sagot habang kinakalikot pa rin ang phone ko.
"May responsibilities ba siya sayo? Kailangan niya bang magpaalam kung saan siya pupunta. Ano bang meron?"
Natigil ako at napatingin kay Kuya. Napaisip ako. Hays hindi Ruthessa mali lang 'yung tanong ng Kuya mo okay.
"Kuya naman, nakakainis kaya yung kay Sofia lang siya nagpaalam friend niya din naman ako."
"Friend nga lang ba?"
Ha? Friend nga lang ba? Anong klaseng tanong 'yun?
"Natahimik ka bigla. Gets ko na sige na itext mo ng itext at tawagan mo ng tawagan."
Umalis na si Kuya. Anong gets na niya? Ang alin?
"Ano kaya yung gets na ni Kuya?" tanong ko sa kawalan habang nagtataka pa rin.
"Gets ko na gusto mo si Vhon diba?"
"Nandyan ka pa pala."
"Yes. Bye!"
Tuluyan na siyang umalis. Gets na nya? Gets na nya na gusto ko si Vhon? Buti pa siya nagets yung feelings ko pero bakit sarili kong feelings di ko magets-gets. Nakakabaliw pala pag ganito.
BINABASA MO ANG
My Three Words
Literatura Kobieca[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.