5.
Naglakad na kami papasok sa school. Nakita ko si Vhon pero hindi ko ito pinansin. Ewan naiirita lang ako bigla sa kaniya. Kahit wala naman itong ginagawa. Umaatake na naman ata ang mood swings ko. Siguro din kasi nasanay ako na palagi ko siyang binabalewala sa loob ng limang buwan.
"Okay ka lang? Bakit di mo naman pinapansin si Vhon." Tanong ng kaibigan ko na nagbabalik.
"Nandito siya?" Tanong ko.
"Hindi mo ba napansin? Imposible naman."
"Hindi ko talaga napansin. Hayaan mo na lang."
Pumunta na muna kami sa garden dahil mamaya pa ang first class namin. Nag usap lang kami na pumasok kami ng maaga para magkasama kami ng matagal.
"Punta kaya tayo sa coffee shop. Nakakabagot dito sa garden Thessa e."
"Sure sige ba matagal na din iyong huli na pumunta ako doon."
"Treat ko ito." Ani niya sa akin. Matagal daw kasi siyang nawala kaya babawi ang kaibigan ko sa akin. Siya na din ang umorder dahil alam naman niya ang gusto ko.
"Selfie tayo." Pag aaya ko sa kaniya.
"One. Two. Three. Smile Sofia."
Click.
Nag stay lang kami sa coffee shop ng saglit hanggang sa mapalipas namin ang oras bago sumapit ang unang klase namin.
Inayos ni daddy ang case ni Sofia sa pagkawala nito five months ago. Dahil si daddy ang may ari ng school ay may kakayahan siyang gawin iyon.
Natutuwa ako dahil sa wakas ay kasama ko na ulit si Sofia. Tapos maayos na din kami ni dad. Wala ng rason para maging masama akong anak sa kanila. Narealized ko na din ang mga pagkakamali ko. Natapos ang klase ni Sofia. Dahil nga nawala si Sofia ay nag iba ang schedule nito sa schedule ko.
May isang klase pa akong dapat puntahan, "Sige na baka malate pa ako. Mauna ka ng umuwi Sofia."
"Maiiwan ba kita dito hindi ako uuwi iintayin na lang kita doon sa library. Puntahan mo ako doon pagkatapos ng klase mo."
"Sige thank you."
Umalis na ako at dali daling tumakbo. Kasi ang professor ko ay makikipag unahan pa ata sa akin. Umupo na ako sa vacant seat malapit sa may bintana. Nauna ako sa professor ko. Pwede na akong maging runner.
"Pst."
Hindi ko pinansin kung sino iyon. Bahala siya baka mapagalitan pa ako ng guro sa unahan. Mainit pa man din dugo nito sa akin.
"Pst. Pst."
"Bak--" Iritadong sasabihin ko sa kanina oang pst ng pst sa akin. Pero nang lingunin ko ay siya pala na ikinagulat ko, "Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.
"Dito ang last class ko Ruth."
Same pala kami ng schedule ngayong araw na ito. Nakinig na lang ako sa kung ano man ang dinidiscuss ng guro namin na nasa unahan.
"Bakit di mo ako pinansin kanina?" Tanong nito. Seryoso ba siya? Mamaya mapagalitan pa ako sa kalokohan niya.
"Ruth pansinin mo naman ako."
"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Iritado kong tanong sa lalaking iyon.
"Arcega and Briones is there anything wrong?"
Kapag minamalas ka nga naman ngayon. Ang kulit kasi kaya nadadamay tuloy ako sa ginagawa niya.
"Wala po." Sagot ko. Kapag ako napahamak pa ulit dito kakatayin ko siya ng buhay talaga. Nakaramdam naman siya at pinatapos ang klase kaya ngayon patuloy akong kinukulit. Wala atang balak na tigilan ako.
BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.