24.
Nasa vacation na silang lahat ako papunta pa lang. Sana kasama ko sila Mom at Dad pero di naman talaga pwede. Nasa byahe na kami papuntang airport 01:30pm ang flight ko.
"Anak, mamimiss ka talaga namin."
"Alam ko naman yun Mom, dont worry lagi tayong mag-uusap, everyday I promise."
"Talaga?"
"Opo."
"Hayaan mo na itong Mom mo ngayon ka lang kasi mawawalay ng matagal dito," sabi ni Dad.
Tama si Dad, since nung isinilang ako di pa ako nalalayo kay Mom ng sobrang layo.
"Kaya ayaw kong umalis ka pero pumayag pa rin ang Dad mo."
"Mom, wish ko yun diba."
"Oo, kaya nga pumayag na din ako kasi iyon ang gusto mo."
"Thanks po ha! Malapit na po tayo sa airport."
Time check: 12:55pm
Grabe, ilang minutes na lang aalis na ako. Nakakainis palang mang-iwan naramdaman kaya 'to ni Sofia at Vhon nung iniwan nila ako. Pwes, aalis din naman ako eh pero sina Mom at Dad pa maiiwan ko. Bumaba na kami at pumunta na sa waiting area.
"Mom, Dad, aalagaan niyo sarili niyo ha."
"Oo naman anak."
"Kahit mahal ang text at call tatawagan ko pa rin kayo, ang yaman kaya ni Dad kaya okay lang," aniko.
"Ano? Balak mo bang ubusin yung money natin."
"Ito naman si Dad di na mabiro."
Biniro ko ng biniro si Dad na uubusin ko yung laman ng credit card ko si Dad naman ayun maktol ng maktol alam ko naman na sinasakyan niya lang ng trip ko.
Habang nakikipagbiruan pa rin sa kanila tinawag na yung flight ko.
"Anak, mag-iingat ka dun ha." - Mom
"Opo, mamimiss ko kayo."
"We will miss you too anak." - Dad
"Bye Mom and Dad!"
Niyakap ko sila then hindi ko na nacontrol yung tears ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Mamimiss ko lang kayo talaga. Sige na po papasok na ako."
Naglakad na ako palayo sa kanila bago ako pumasok, nagwave ako kayna Mom at Dad.
"Bye!"
Kahit hindi nila rinig alam kong nabasa nila yun sa pagbuka ng bibig ko.
TANYA SOFIA'S POV
Ngayon nga pala alis niya, hayss.
(A/N: Ilan nga bang oras bago makarating sa London di ko nasearch eh?)
"Anak, nakita rin kita." - Dad
"Sorry, may ginawa po kasi ako eh."
"Okay lang."
Naghug kami ni Dad. Namiss ko siya ng sobra!
"Dinner tayo sa labas," aya ni Dad.
"Sige po," lumabas agad ako sa room ko.
"Mom, dinner outside daw kaya dont cook na."
"Okay."
Balik ako sa room ko magkausap na si Mom at Dad. Nag-open ako ng FB ko.

BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.