THIRTY FOUR

21 1 0
                                    

34.

VHEN'S POV

Nasa park kami ngayon ni Sofia kanina pa syang tahimik, hindi man lang siya nagsasabi kung ano ba ang problema nya.

"Sofia?"

"Sofia, okay ka lang ba?"

"Sa tingin mo yun bang akala mong wala siyang pakialam tapos malalaman mo na lang sobrang hirap na pala ng pinagdadaanan niya. Nakakainis! Bakit ko pa kasi siya nasabihan ng ganun. Kasalanan ko 'to eh."

"What do you mean Sofia?"

"Vhen, akala ko si Thessa kinalimutan na si Vhon, akala ko hindi nya magawang dalawin si Vhon kahit 3 secs. lang pero Vhen mali ako, yun pala si Thessa nagi-stay sa puntod ni Vhon minsan dun sya natutulog kahit na alam niyang mapapahamak siya. Ginawa pa rin nya, nagsisisi ako na diniretso ko pa siya na hindi ako nakapagtimpi."

"Hayaan mo na, hindi mo naman yun alam diba atleast ngayon alam mo na pero may magbabago lalayo muna si Thessa sayo dahil dun sa nangyari."

Umiyak na si Sofia sa sobrang tatag ng friendship nila ito lang ang makakapaglayo sa kanila pero di naman ito tatagal.

"Papasok ka ba?"

"Hindi, uuwi na ako."

"Okay, hatid na kita."

Inihatid ko na si Sofia sa kanila at pumunta na ako sa school dumiretso na ako sa last class ko.

"Ruthessaa," pagtawag ko. Pagkatapos ng class nakita ko siyang nakaupo sa isang bench pero bigla siyang tumayo para umalis.

"Teka lang Ruthessa," hinabol ko siya and I grab her hand.

"Sorry!"

Inalis ko na yung kamay ko sa kamay niya, "What do you want?"

"Nakwento ni Sofia yung effort mo sobrang naiinis si Sofia dahil sa mali niyang akala."

"Alam mo, maraming nagkakaaway o namamatay dahil sa maling akala. Tell that to her! Aalis na ako."

To: Ruthessa Briones
in behalf of Sofia, I'm sorry!

SENT!

"Oh Vhen nakita mo ba si Thessa?" tanong ni Mrs. Dean.

"Opo, ngayon lang po. Bakit po?"

"Hindi kasi siya umuwi sa bahay kagabi."

"Bakit daw po?"

"Nagtext siya na wag ko na daw alamin. Nalaman mo ba kung bakit?"

"Hindi po."

"Ganun ba, sige, mauna na ako may gagawin pa kasi ako."

"Okay po."

Umuwi na ako sa bahay para makapagpahinga na rin.

"Bakit po kayo nandito Dad I thought nasa work kayo?" tanong ko.

"Walang work pahinga muna ako anak."

"Ganun po ba sige po punta na po ako sa room ko."

"Okay anak!"

Pumunta na ako sa room ko at nag-open ako ng twiter ko, Maraming nagkakaaway o namamatay sa maling akala. Ipinost ko at nag-open ako ng FB ko.

Group Chat (Trio+1)

Sofia: Vhon nakita mo si Thessa?

me: oo, kinausap ko siya about dun sayo pero after nun, nagwalked out na sya.

Sofia: ah. Thessa, sorry ha. Di totoo yung mga sinabi ko, akal.. Ito na naman ako sa akala. Pasensya na Thessa.

Ruthessa: (typing..)

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon