25.
RUTHESSA JANE'S POV
Nasa Achasan Subway Station kami ngayon kahit may car si Gianna gusto ko maexperience yung pagsakay ng train dito sa Korea.
"Saan ang gusto mong una nating puntahan?" tanong ni Gianna sa akin.
"Kahit saan na lang kung saan may magandang tanawin? Wala akong alam na beautiful attraction dito eh."
"Sige."
"Pupunta tayo sa magagandang attraction sa Gyeongju."
Gyeongju? Ano yun? Okay, di ko talaga alam yun. Sumakay na kami at habang nasa biyahe si Gianna talagang tour guide na tour guide.
Pagkarating roon, "Maganda ba dito," tanong ni Gianna.
"Gianna, kahit naman saan pumunta sa Korea sobrang gaganda. Te-teka, may shooting?"
"Oo, dito kasi ginaganap yung bagong drama series ni Lee Min Ho."
"Lee Min Ho? As in? Oh my gosh! Talaga? I wanna see him."
"Sige dun tayo.. dito sa Korea may binibigay silang lugar para sa mga fans."
Ganun di naman sa Pilipinas eh pero minsan private yung lugar. Pumunta na kami dun excited na akong makita ng malapitan si Lee Min Ho. Omo!!
Sa wakas, "Ang gwapo talaga nya Gianna ikaw lang beses mo na syang nakita in person?"
"Madami ng beses, bilang tour guide minsan dun sa pinupuntahan namin nandun si Lee Min Ho kasi may shooting."
"Ah ang swerte mo kasi sa Pilipinas ang daming nagmamahal kay Lee Min Ho tapos lahat sila gustong makita siya in person kaso nandito siya sa Korea kaya mahirap gawin yun."
Nung natapos yung shooting umalis na din kami sa Gyeongju, sumunod naman ay yung King Munmu's Underwater Tomb (Gyeongju), Dadohae Haesang Maritime National Park, Hahoe Folk Village, Haein-sa Teple, Demilatarized Zone (DMZ).
Napabaling ang tingin ko sa suot kong wrist watch, 08:00pm na pala.
"Uuwi na ba tayo Ruthessa?"
"Ahmm, san may masarap na ramen dito," tanong ko.
"Halika may alam ako," kaya pumunta na kami dun at di ko mabasa yung name nun pero hayaan na natin. Kumain na kami. Pagkatapos nun, umuwi na rin kami agad. Nakakapagod din kaya!
"Ahm, Gianna, dito ka na kaya matulog?"
"Hindi na, sa hotel na lang ako tutuloy Ruthessa."
"Okay lang naman dito eh. Promise!"
"Hindi na talaga salamat na lang," sabi nito sabay ngiti.
Sana dito na lang sya natulog wala kasi akong kasama rito. Umalis na siya kaya pumasok na ako sa loob.
*skype ringtone*
"Kuya bakit?"
("Si Gianna?")
"Kauuwi lang niya sabi ko dito na matulog pero di na daw eh."
("Ah ganun ba saan kayo pumunta?")
"Sa lahat ng beautful attraction sa Gyeongju pero hindi pa ang Jeju Island at tsaka yung iba pa."
Ikinwento ko kay Kuya na nakita ko si Lee Min Ho pero inasar lang ako ni Kuya. Ang sama niya! Nangamusta siya at nang matapos ang video call pinapakumusta ko na lang sila Mom and Dad.
Si Kuya namiss agad si Gianna. Agad ha? Nakakaloka siya!
VHON'S POV
"Nakausap mo na si Ruthessa," tanong ni Vhen.
BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.