THIRTY EIGHT

14 3 0
                                    

38.

VHEN'S POV

In-off ko na ang phone ko nakukulitan na ako kay Mom.

"Bro, tama bang magalit ako kay Ruthessa dahil magmamahal na siya ng iba."

"Bro kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito. Ayaw ko lang na makalimutan ni Ruthessa ikaw I know how much you love her at masasaktan ka kung nasaan ka man."

"Anong gagawin ko? Bro dapat ba?"

"Nagagalit ka kasi may nararamdaman ka pa rin sa kanya."

(O__O)

"Bro ikaw ba yan? Mauna na ako ha sige na di na ako magagalit kay Ruthessa. Bye!"

Umalis na ako sa cemetary dahil sa takot nang biglang may sumagot. Nabakla tuloy ako I mean naduwag natakot.

To: Sofia Tapel
lets meet sa Coffee House 06:30am sharp.

SENT!

"Bakit di siya nagrereply?" napatanong ko. Yung babaeng yun kayang kaya na gawin 'to sa akin. Si Vhen Arcega kaya ito!

Time check: 05:30am. Nakakapagtaka hindi ba natatakot si Ruthessa dun sa cemetery. Nakakatakot kaya!

Nagpahinga lang ako saglit sa kotse at inintay magsix thirty.

*bzzt.  bzzt..*

From: Sofia Tapel
Sunduin mo ako sa bahay. NGAYON!

Aba't ang lakas ng loob nitong mag-utos ng agad-agad. Fine! Pero pinatagal ko muna para naman makabawi ako.

Pagkarating ko bumusina ako't agad naman siyang pumasok, "Bakit ang tagal mo?" inis na tanong nito.

"May dinaanan pa ako."

"Okay. Ano bang pag-uusapan natin?"

"Nasa Coffee House na ba tayo," sagot ko.

"Wala pa."

"Oh edi wala pala din akong sasabihin."

"Fine!"

Nang bumaling ako ng saglit sa kanya nakita ko ang kakaibang kinikilos niya, "Anong ngini-ngiti ngiti mo?" tanong ko.

"Wala."

Pagdating namin sa Coffee House nakangiti pa rin siya. Weird hindi ba!?

"Anong gusto mo?" tanong ko. Ako nag-aya aya ililibre ko siya.

"Hot choco na lang," sagot nito kaya umorder na ako.

"Salamat! Ano na yung sasabihin mo?"

"Oo na, ito na nga oh sasabihin na." Masyado kasing excited! Sasabihin ko naman.

"Good! Ano ba yun?"

"Sofia!" pagtawag ko na medyo hirap na sabihin ang dapat kong sasabihin.

"Ano?"

"Kasi.."

"Ano nga? Gusto pa pacurious-in ako ng sobra."

"Ito na. Sorry dun sa nagawa ko kay Ruthessa, nainis lang naman ako kasi mahal ni Vhon si Ruthessa diba tapos magmahal siya ng iba, feeling ko kasinungalingan lang yung mahal niya si Vhon."

"Alam mo Vhen, di naman masama na magmahal siya ng iba. Oo alam ko sinisisi natin si Thessa na kasalanan niya pero di naman talaga niya kasalanan yun."

"Alam ko naman yun nabigla lang ako. Ang hirap kayang tanggapin na hindi mo makakasama pa yung kapatid mo tapos kambal pa kami. Kung anong nararamdaman niya hindi malabong maramdaman ko rin yun."

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon