27.
RUTHESSA JANE'S POV
Ang ganda talaga dito sa Korea! Ngayon pahinga muna ako kasi napagod kami ni Gianna.
"Gianna ahm.. Dito ka na kaya tumuloy hangga't nandito ako kasi nagbabayad ka sa hotel tapos di ka naman dun lagi nag-istay nasasayang lang yung bayad mo. At tsaka nahihirapan ako sa situation mo pupunta ka dito ng maaga para lang ipagluto ako nagsasayang ka lang ng fuel."
"Okay na ako."
"Gianna, alam mo pagnakakachat ko si Kuya ikaw ang laging hinahanap nya pero wala ka naman dito."
"Talaga?"
"Oo, so please! Pretty pretty please stay here na lang as long as I'm here."
Nag-iisip pa siya, "Ano?" tanong ko ng may pagpapacute sana effective.
"Gianna?"
"Okay sige dito muna ako hangga't nandito ka."
Niyakap ko siya, "Thanks!" Yes, may makakasama na ako. I'm so lucky talaga one month na ako dito pero di ko pa rin nakakachat sina Mom at Dad, di kasi matyempuhan.
"Wait lang kukunin ko yung laptop ko," paalam ko.
"Okay pupunta muna ako sa hotel kukunin ko na lahat ng gamit ko magche-check out na rin ako."
"Okay 'yun makakasama na agad kita. Go na Gianna!"
"Okay."
Umalis na si Gianna at pumunta na ako sa room ko at kinuha ang laptop ko. In-open ko ang skype ko at pati na rin lahat ng accounts ko.
*ping~ ping~*
Vhen: Hello!
Bakit siya nagchat bigla? Akala ko si Sofia o si Vhon.
me: Hi, bakit bigla kang nagchat?
Vhen: Wala naman, may ico-confess lang ako.
me: Confess, ano naman yun?
Ano naman kaya itong trip niya? Ico-confess! Sana naman katanggap tanggap.
Vhen: Gusto kita.
Ha? Ano daw? Gusto niya ako? Hindi nga, diba lagi naman niya akong di pinapansin na parang di ako nag-eexist dito.
Vhen: Nabigla ba kita? Matagal na kitang gusto una kitang nakita di lang kita pinapansin nun kasi nahihiya ako.
Nahihiya? Okay lang sya? Ngayon bumabalik yung gulo sa isip ko. Sino nga bang gusto ko si Vhon o si Vhen? Si Vhon, sobrang napapasaya niya ako pero si Vhen, lagi kong hinahanap yung presence nya na sana pansinin niya ako. Sino nga ba?
Vhen: Sorry! Gusto talaga kita! Totoo yun.
Naglogout na sya. Naguguluhan na naman ako.
"Nandito na ak-- Uy, bakit ganyan ang mukha mo?"
"Gianna!"
Nilapitan ko sya at niyakap, "Okay ka lang ba?"
"Hindi!"
"Bakit?"
"Hindi ko alam naguguluhan ako!"
"Naguguluhan? Saan naman? Halika ka nga umupo tayo."
"Ano bang gumugulo sayo ha Jane?"
"Gianna, may kaibigan kasi ako di ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya naguguluhan ako."
"Kaibigan mo? About saan ba yan?"
"Sa love Gianna, yung kaibigan ko kasi may gustong lalaki noon pero dahil hindi siya pinapansin nito binalewala na lang niya at itinuon ang atensyon sa ibang friend niya. At yung isang friend nya kakambal nung taong gusto nya tapos naging masaya siya dito pero palihim nyang hinahanap ang presence ng lalaking gusto niya. Para bang hindi sapat yung mga kaibigan niya, 'yung presence ng dalawa niyang kaibigan. Feeling niya gusto na niya yung lalaking kaibigan niya na kakambal ng lalaking gusto niya hindi kaya nakikita lang niya yung kakambal nito sa lalaking kaibigan niya. Ang totoo kaya, mahal pa rin niya yung lalaking talagang gusto niya at imbes na dun sa kaibigan niyang akala niya mahal na pala niya."
BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.