22.
VHON'S POV
Time check: 10:25am
"Nga pala Vhon ito yung phone mo. May itatanong lang ako?"
"Kung bakit ikaw ang wallpaper sa phone ko?"
"Oo. Bakit nga ba?"
"Yan kasi yung araw na di ka nakatiis na isama ako sainyo. Remembrance lang."
"Ah."
"Oo. Akward ba?"
"Hindi naman, okay lang ang ganda ko nga dyan eh."
"Talaga lang ha."
"Aba talaga, totoo naman kaya ano kontra ka."
"Oo na, totoo na!"
"B.A. Organization go to the board room," anunsyo sa audio room.
"Ahm, sige may meeting kasi," paalam ni Ruth.
"Diba next school year ka pa?"
"Kailangan na daw sabi ni Dad sige mamaya ulit. Bye!"
"Bye!"
Umalis na siya at pumunta na sa Board Room kung saan dun gaganapin yung sinasabi niyang meeting.
"Diba next school year pa siya."
"Kailangan na daw eh."
"Ah, so magiging busy na siya ngayon."
"Ganun na nga di na natin siya madalas na makakasama."
"Expect the worse." - Sofia
Pumunta na kami sa next class namin. Wala ng class si Thessa kaya okay lang na umattend siya dun.
RUTHESSA JANE'S POV
"Good Morning Officers!"
"Good Morning Mr. Dean!
"Sa napag-usapan, si Ms. Ruthessa Jane Briones na ang President ngayon. Kaya ako na mismo ang magtuturo sa kanya kung anong dapat niyang gawin. At kailangan ng gampanan ni Ruthessa ang role niya bilang President dito."
"Ha? Akala ko sasama lang ako sa mga meetings."
"Kailangan mo yung sundin."
Nanlumo ako, "Fine."
Di ko in-expect na ito na pala yun na magsisimula na pala ako.
"Ruthessa!"
"Po?"
"Ipaparenovate na yung magiging office niyo. Kaya bukas na bukas dun na ninyo sisimulan lahat."
"Okay po Mr. Dean." - Officers
"Ruthessa, nakikinig ka ba?" tanong ni Dad.
"Yes."
"As I was saying lahat kayo magsisimula na bukas."
"Yes Dean." - Officers
"Okay tapos na ang pagpupulong maari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo. Salamat!"
Tumayo na ako para umalis, "Anak?"
"Dad di pa naman ako ready pero sige tatanggapin ko kung kailangan na talaga."
"Salamat anak!"
"Sige po alis na ako."
Lumabas na ako. Napahinga ako ng malalim hindi man lang ako nainform na ganito pala. Kinakabahan. Masaya. Nalulungkot. Kasi naman di ko na madalas na makakasama 'yung dalawa.
BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.