THIRTY FIVE

14 2 0
                                    

35.

TANYA SOFIA'S POV

"Ayon sa memo na ito sa atin nakasalalay ang lahat, sa atin naka-assigned ang lahat kaya kung may naiisip kayo na gagawin dun, sabihin lang. Sa Caysasa Hall ulit ang venue. So ano ang suggestions nyo?"

Si Thessa sobrang seryoso dito sa christmas ball halos hindi na ata ito nagpapahinga. Ano ba naman siya?

"Yung themes ng venue pwede bang yung kung paano i-celebrate ng mga Royal Family yung Christmas nila. Ganun din yung naisip ko lahat tayo naka-princess and prince attire. Okay lang ba yun?" - Minss

"Pwede yun, beautiful suggestions, okay lang ba yun Ruthessa?" tanong ni Clarisse.

"Okay lang naman, so sinong agree just raise your hand."

Lahat kami nagraised, "So thats final, one down."

Nakakapanibago talaga siya ngayon para bang ibang iba na siya.

"Para mapadali tayl maganda siguro kung mag-invite tayo kung sinong gustong magvolunteer na tumulong satin," suhestiyon ni Clarrise.

"Okay yun, so ako na ang bahala dun. Nga pala Minss ang iba dun tutulong sayo sa themes ng venue."

"Ako na bahala sa invitations and security para walang makapasok na trespasser," aniko.

"Okay Sofia, Bert, partner kayo dun para may kasama siya at para may tutulong sa kanya."

"Okay Ms. President!"

"How about the menu Ruthessa?"

"Lino, Vina, and Aira kayo na ang bahala dun, Caysasa Catering sila yung i-rent nyo."

"Okay kami na ang bahala dun."

"Ang decorations?" tanong ni Minss.

"Ako na din dun. Okay, its settled. Clarrise, pakiulit nga lahat ng final desicions."

Nakakamiss yung Thessa na bestfriend ko. Kelan kaya siya babalik?

"Okay.

Plan for the Christmas Ball
- Themes of the Venue - Minss & the Volunteers
- Invitations and Security - Sofia & Bert
- Caysasa Catering - Lino, Vina and Aira
- Inviting Volunteers and Decorations - Ikaw (Ms. President)

"Ako na bahala sa iba Ruthessa," ani ni Clarisse.

"Okay na yun! Mauna na ako may class pa ako," at umalis na siya.

"Ako din may class na," paalam ko at umalis na din ako.

bzzt.. bzzt..

From: Vhen Arcega
nasan ka na, parating na prof natin.

Classmate ko nga pala sya. Na naman! Nangungulit lang naman hanggang ngayon di pa ako sanay.

ako: otw na ako.

sya: ok.

Dinalian ko na pumunta dun saktong dating ko nandun na yung prof.

"Why are you late?"

"B.A. Organization meeting po," sagot ko.

"Okay find a vacant seat," umupo na ako katabi ko ngayon si Vhen at nagdiscuss na si prof.

Wala akong naiintindihan sa idiniduliscuss ni prof, "Class dismiss."

"May next class ka pa?" tanong ni Vhen.

Meron pa ba?

To: Gina
pumasok ba si prof. Rina?

sya: hnd.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon