FIFTY FIVE

32 2 0
                                    

55.

Hindi ako makatulog sa kwarto samantalang si Vhen tulog na tulog na. Si Ruth kaya gising pa? Naisip kong itext siya at agad kong isinent sa kanya.

Bumaba na ako habang nag-iintay sa reply niya at naglakad ako papunta sa pool area nakita ko si Misha at si Ken na nasa garden pa rin. Natutulog na si Ken, si Misha para siyang may kinakausap na nasa side ng pool area nagtaka ako kaya medyo lumapit ako para malaman kung tama yung nakita ko..

"Kasi," rinig kong imik ni Misha sa patanong na tono.

Sinong kausap niya? Lalo pa akong lumapit at nakita ko kung sino.

"Aalis ako."

(O__O) Si Ruth.. siya ang kausap ni Misha at tama ba ang narinig ko? Aalis siya?! Bakit?

Nakita kong natatameme si Misha sa sinabi nito tila siguro nagulat din siya sa pareho naming narinig. Kararating lang niya galing Paris, France tapos aalis ulit siya. Talaga bang walang panahon para magkasama kami at maging masaya ng matagal?

"Vhon?"

Nagulat ako ng nasa harap ko na siya at gulat siya ng makita niya ako kaya tiningnan ko si Misha gulat din siya nang mapagtanto niya na narito ako. Nginitian ko siya ng mapait na ngiti, di ko alam kung bakit ko pa nagawang ngumiti siguro dahil mahal ko siya at siguro kailangan ko siyang intindihin kahit na sobrang sakit ng narinig ko ngayon ngayon lang.

"N-narinig mo ba yu-yung sinabi ko?" mabulol bulol nitong tanong. Hindi ko siya tiningnan at tumango ako at matapos kong gawin yun umalis ako sa harap niya at naglakad na pataas.

"Vhon saglit, magpapaliwanag ako," sabi nito pero wala akong panahon ngayon para makinig.

Wag muna ngayon dahil sobra akong nasasaktan.

"Vhon," pagtawag muli nito.

"Vhoooon!!" sigaw nito pero bago pa niya ako mahabol nakapasok na ako sa isang guest room na walang nag-ooccupy ngayon kaya nilock ko kaagad ito.

Kumakatok si Ruth sa pintuan habang ako nakaupo sa study table na meron sa loob. Nakaupo lang ako dun at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Vhon, please naman oh kausapin mo naman ako ipapaliwanag ko kung ano yung narinig mo kanina," sabi nito habang nasa labas hindi ko siya sinagot.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga oras na ito kasi yung taong limang taon kong hinintay, dumating na nga, pero aalis pala ulit para iwan ka at maghintay muli sa kanya. Sobrang sakit lang!

"Vhon open this, lets talk!"

Nasasaktan ako ngayon kaya naman gusto kong mapag-isip.

"Baby Vhon, please lets talk!"

Baby Vhon? Akala ko ba ayaw niya ng ganun. Tinatawag niya lang naman ako ng ganun kasi gusto niya lumabas ako dito.

"Vhon naman open this," sabi nito at narinig ko siyang umiiyak.

Hindi Vhon wag kang magpapadala sa iyak niya. Hindi Vhon kaya mo munang tiisin siya ngayon. Kahit ngayon lang Vhon. Kayanin mo!

"Vhon kung ayaw mong mag-usap tayo ngayon. Fine! Mag-usap tayo sa susunod na araw kapag ayos ka na. Mahal kita Vhon, sobra!"

Hindi ko na mapigilan maiyak. Mahal ko siya pero nasaktan ako sa narinig ko. Aalis siya.. NA NAMAN.. Masasaktan na naman ako.

Lumapit ako sa may pinto at lumabas ako nakita ko si Ruth na kapapasok lang sa room ni Vhen kung saan sila tutulog at sinara na niya ito. Pumasok ako sa room ko kung saan naman himbing na himbing na natutulog si Vhen. Kinuha ko ang important things ko at umalis muna sa bahay at dumiretso sa place kung saan dinala ko si Ruth noon.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon