FOURTY FOUR

45 3 0
                                    

44.

RUTHESSA JANE'S POV

Nagdoorbell ako at agad naman akong pinagbuksan ni manang, "Salamat po," at pumasok na ako.

Lahat sila nakaupo sa sofa at sobrang tahimik. Ano kayang dahilan at pinapunta nila ako dito?

"Hello po Tita bakit po?"

"Ruthessa, alam na namin ang lahat na buhay si Vhon. Alam pala ni Vhen yun at inilihim niya yun sa atin makakasama na ulit natin si Vhon."

Natahimik na lang ako na parang nagulat din sa sinabi ni Tita kahit alam ko na naman talaga na buhay nga ang anak niya.

"Anong mer-- Oh hi'ja narito ka pala," nagsmile na lang ako kay Tito.

"Hon nalaman ko na buhay ang anak natin, buhay si Vhon."

"Ha? Paano sya mabubuhay?"

"Nilihim ni Vhen alam nya lahat," sagot nito. Nung nag-uusap usap sila about dun humanap ako ng tiyempo para umalis.

*bzzt.. bzzt..*

From: Mom
nasaan ka anak?

ako: kapapasok ko pa lang po ng village pauwi na po ako.

sya: ok.

Di na ako nagreply at umuwi na kaagad ako, "Bakit mom?"

"Anak alam mo na ba ang news?"

So, alam na pala ng lahat mas mabuti ng wala na silang niloloko.

"Anak, buhay si Vh--"

"Alam ko na po Mom at kahit buhay sya wala na akong pakialam dun. Pasensya na po pupunta na po ako sa room ko."

"Anak!?"

VHON'S POV

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko kaagad ito.

"Hello Vhe--"

("Anak, ikaw ba yan nasaan ka si Dad mo 'to.")

Si Dad, alam na nya din at nasisiguro kong alam na din ni Mommy ang totoo.

("Anak si Mom 'to nasaan ka?")

"Ako na lang po ang pupunta dyan. Sige po!"

Ibinaba ko na, nagskype pa kasi kami kaya nalaman tuloy ni Mom. Pagkatapos kong magbihis umalis na ako.

*ding dong~ ding dong~*

(O___O) reaksyon ni manang ng makita ako pagkabukas niya ng gate.

"Buhay ako manang," sabi ko't pumasok na ako.

"Anak!"

"Vhon!"

"Sorry bro," ani ni Vhen.

"Okay lang dapat naman talaga na malaman na nila."

Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat gaya ng alam ng iba na ginamit ko ang identity ni Ryan Jang para di ako mahuli.

"Anak, bakit mo naman ginawa yun? Hindi porket nasasaktan ka dapat ka ng manloko at magkunwaring patay na.

"Sorry po Mom!"

"Sige na I'm sure pagod ka magpahinga ka na muna sa room mo," sabi ni Dad.

"Sige na anak pinalinis ko na yan kay manang."

"Salamat Mom and Dad sige po aakyat na po ako sa room ko," aniko.

I miss my room. May isang box na nakapatong sa study table ko. Kinuha ko ito at in-open. Nakita ko yung mga gamit ko; cellphone, laptop, DLSR, at yung mga important things ko. In-open ko ang laptop ko, Ruth and Vhon FOREVER.. pagbukas ko ng laptop yun ang una kong nabasa.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon