FIFTY THREE

40 0 0
                                    

53.

VHEN'S POV

Nasa tagaytay pa rin kami hanggang ngayon simula pa nung next day after matapos ng anniversary nila Mom at Dad.

"Honey nasaan na kaya sila?" tanong ni Sofia.

"Di ko lang alam kung saan na sila mismo pero ang alam ko kaaalis lang nila dun kasi may ginawa pa daw sila sa place nila sa park," sagot ko dito.

Alam nyo na siguro kung sinong tinutukoy ko. Sino pa ba eh di si Thessa at ang kakambal kong si Vhon.

"Ganun ba? Miss ko na talaga agad si Thessa kasi naman nung sinurprise niya tayo dun sa party hindi siya sumama sa atin nung papunta dito," paglilintanya nito.

"Yan ka na naman sa kao-eyan mo eh," sabi ko dito.

"O-ey ako?" medyo may pagkasungit nitong tanong.

"Hindi naman honey joke lang yun ano."

Nakakatakot kasi siya pag ganun ayaw ko namang magkagalit ulit kaming dal'wa ang hirap kaya nitong suyuin minsan.

"Okay," sagot nito sabay nagpakita ng nakakaasar na ngiti.

Oo na, aaminin ko minsan may pagka-under ako sa girlfriend kong ito. Aba kahit ganun okay lang sa akin wag lang siya mawala sa tabi ko at sa paningin ko.

"Tara na muna sa loob," aya niya.

"Okay," at pumasok na kami sa loob ni Sofia.

Sa pag-iintay namin si Sofia sa loob ng kwarto ko habang nanunuod kami ng movie ay di namin namalayan na nakatulog na pala kami dito. Bumangon na ako at inayos ang sarili ko, pinatay ko na yung dvd player at kinumutan si Sofia. Sinarduhan ko na yung pinto sa lobby ng room ko.

Time check: 08:36pm. Malamig na kaya naman ginawa ko yun, malapit din kasi kami sa dagat kaya naman baka lamigin ng sobra si Sofia. Di ko na siya ginising pa dahil sobrang himbing ng tulog niya.

"Bababa na muna ako honey ha, pag nagising ka mamaya ako mismo magluluto ng kakainin mo," sabi ko dito at hinalikan ito sa noo at lumabas na ako sa room ko.

"Oh Vhen, kagigising mo lang?" tanong ni Vhon na kalalabas lang sa room niya. Nandito na pala sila.

"Oo. Kanina pa kayo nakarating ni Ruthessa?"

"Oo kanina pa bro, si Sofia nasaan?"

"Nasa room ko sobrang himbing tulog," sagot ko

"Ganun rin si Ruth tulog na tulog na sa room ko."

"Ah."

Magbestfriend nga sila may similarity kasi sila.

"Kumain ka na?" tanong nito.

"Hindi pa nga eh, nakatulog na kami sa pag-iintay sa inyo kanina."

"Ganun ba, pasensiya na ha si Ruth kasi ang dami pang tinigilan. Halika kain ka na," aya nito.

"Sige," kaya bumaba na kami ni Vhon at dumiretso sa kitchen. Siya ang kumuha ng kakainin ko, sobrang bait talaga niya sakin.

Flashback..

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you," kanta nila para sa amin ni Vhon.

"Blow the candle," sabi ni Mom samin ni Vhon.

Hinipan na namin ni Vhon ang candle sa cake namin. Matapos ang party namin ni Vhon sobrang gutom na gutom na ako.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon