Misunderstanding

57 2 0
                                    

7.

Nag-aayos na ako ng gamit na dadalhin ko mamaya. May quiz kami kaya kailangan ko pang mag-aral tapos may activity pa na dapat gawain. Bakit ba kasi ang hirap hirap ng course ko? Engineering ba naman.

I heard a knocked sinabi kong pumasok na ito. Nakita kong si mommy iyon.

"Anong oras ng pasok mo?" Tanong ni mommy.

"10 AM pa po mommy. Hindi nga po kami magkasabay ni Sofia. Hapon kasi ang pasok niya."

"Hayaan mo na ngayon lang naman ulit."

"Mommy mamaya na lang po ako kakain. Kailangan ko pong mag-aral." Pagpapaalam ko na kay mommy baka kasi ma-istorbo ako sa pag-aaral.

"Kumain ka na muna anak."

"Madidistract po kasi ako sa foods na makikita ko."

"Ganun ba oh siya sige na aalis na ako para makapag-aral ka na."

"Okay po!"

Lumabas na si Mom sa room ko at ako nagsimula ng mag-aral.

Nagvibrate phone ko,

From: Bestfriend Sofia
Nag-aaral ka ba?

Me:
Oo bakit?

Bestfriend Sofia:
Mabuti para mataas ang score na makuha mo.

Me:
Kaya ko iyon. Ako pa!

Bestfriend Sofia:
Ikaw pa nga. Mag-aral ka ng mag-aral bestfriend ko. Bye! Goodluck. Labyah.♥

Me:
Thanks.

Swerte ko talaga sa bestfriend kong iyon. Paano na lang ako kung wala ang tulad niya.

Muling nagvibrate ang phone ko,

From: Vhon Arcega
Si Vhen ito magpapaalam lang ako kung pwedeng hingin ang number mo kay Vhon?

Me:
Oo naman.

Vhon Arcega:
Salamat.

Me:
Wala iyon.

Lalong sumasaya ang araw ko. Nag-aral na ako kasi inspired ako. Akalain mo nagpaalam pa talaga si Vhen para kunin ang number ko kay Vhon.

Kinikilig ako.

Wtf. Sinabi ko bang kinikilig ako? What did I mean by that? Na what gusto ko si Vhen? Na crush ko siya? Ganun ba iyon? Offcial na crush ko na talaga siya?

"Hephep Ruthessa Jane Briones. Bawal madistract kailangan mong mag-aral. Sige na mag-aral ka na." Sabi ko sa sarili ko at tinatapik ang pisngi ko.

"Bawal madistract kailangang pumasa kahit quiz lang iyon."

Nag aral ako ng maayos upang may maisagot ako sa quiz. May gusto din akong mapatunayan na kaya kong gumawa ng way upang maipakita sa kanila na may talino din ako.

Hindi porket amin itong school ay makakapasa ako ng basta dahil kaya kong pakiusapan ang daddy ko na gawin iyon.

Pumasok na ako sa school nakasalubong ko iyong mga estudyante at panay bati nila sa akin. Tinutugon ko naman sila hindi naman ako masungit.

"Ruthessa." Pamilyar ang boses ng tumatawag sa akin kaya nilingon ko iyon at hinanap ko. Nakita kong si Vhen ang tumatawag kaya pala pamilyar ang boses.

"Bakit Vhen?"

"Hihingin ko lang iyong number mo." Ani nito. Nagtaka naman ako kasi nagtext na siya na kay Vhon niya hihingin kaya nga siya nagpaalam sa akin kung maari niya na kunin ito kay Vhon.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon