8.
Three days ng tumatawag si Vhen pero di ko sinasagot madalas ko na ding i-off ang phone ko. Hindi pa kami magkasundo ni Vhon. Hanggang ngayon ay kinakain pa din ako ng guilt sa sarili ko.
My phone rang. Ang kaibigan kong si Sofia ay tumatawag. Alam kong kukulitin na naman ako nito about sa amin ni Vhon kung nakikipag ayos ba ako. Sinagot ko ang tawag niya at sinabi nitong pumunta ako sa park kaya nagbihis ako at pupunta doon.
Naglalakad na ako at nagtext siya na intayin ko daw siya dahil may dadaanan lang daw siya. Nag sige na lang ako at dumiretso sa park. Naupo ako sa isang bench pagkadating ko doon.
"Ruthessa!"
What the? Anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko lang siya at tumayo at aalis upang hindi siya makausap. Hindi ko alam pero biglang nawalan ako ng gana na kausapin siya.
"Ruthessa please may itatanong lang ako. Mag-usap naman tayo please spare me a little time."
Tiningnan ko lang ulit siya at paalis na ako pero hinabol pa rin niya ako.
"Ruthessa!"
"Ruthessa naman! Kailangan kita ngayon please!"
"RUTHESSA JANE BRIONES!"
Napatigil ako ng sumigaw na siya at banggitin ang buo kong pangalan na halos lahat ng tao dito napatingin sa akin, sa aming dalawa.
"Kambal nga kayo!" Anas ko, "Bakit ba? Anong kailangan mo sa akin?"
"Ano bang problema? Anong nangyari sa inyo ni Vhon? Alam mo bang tatlong araw na siyang di lumalabas sa room niya. Hindi rin kumakain at hindi ako kinakausap. Hindi naman kami ganoon ng kakambal ko."
"Ruthessa please help me I don't wanna see him like that. Anong nangyari?"
"Ruthessa please?"
Hindi ko alam na ganoon ang epekto ng ginawa ko kay Vhon. Talagang nasaktan ko ang lalaking iyon. Mas lalo akong nagugilty dahil sa ginawa ko. Napaka sama ko para gawin iyon kay Vhon.
"Can you bring me to your house. I want to talk to him."
"Sige."
Dinala niya ako sa bahay nila at tinuro niya kung saa ang kwarto ni Vhon.
I knocked.
"Nandito ako. Si Ruth ito please lumabas ka naman na oh. Pwede bang mag-usap tayo kahit saglit lang."
"Vhon?"
"Friends tayo diba? Lumabas ka naman na oh please?"
Sana lumabas ka na kasi nagui-guilty talaga ako. Ako may kasalanan nito alam ko naman iyon.
"Ay kabayo!" Pagkagulat ko na nakabukas na yung pinto't nasa harapan ko na siya at sobrang lapit niya sa akin.
"Sorry. Nagulat lang ako."
"Vhoooon," Agad na pagtawag ni Vhen ng may sigla nang sa wakas lumabas na ang kakambal niya.
"Diyan ka muna mag-uusap lang kami." Sabi ko roon sa kakambal ni Vhon.
Pumasok ako sa room niya at nagulat ako sa nakita ko sa loob at isinarado ko na iyong door ng kwarto niya.
"Anong nangyari dito? Dinaig pang dinaanan ng bagyo." Tanong ko pero wala akong napalang sagot mula sa kaniya. Nauunawaan ko na galit siya sa akin.
"Ako ang dahilan kung bakit ka ganito ngayon." Ani ko. Wala siyang imik dahil nga galit siya sa akin.
"Alam kong galit ka sakin kasi inakusahan agad kita noon. Alam ko na mali iyon at nasaktan ko ang damdamin mo."

BINABASA MO ANG
My Three Words
ChickLit[UNDER REVISING] Three words have a lot of meaning, I love you I need you I miss you I like you But her three words stand for different meanings.