FOURTY SEVEN

30 1 0
                                    

47.

Pagkasabi ni Ruthessa kay Vhon na pumunta sa Coffee House ay dun na agad dumiretso ang dalaga matapos may ihabilin ito kay Clarisse.

"Isang milk tea," sabi nito dun sa may counter.

"Thanks Ms. Thessa," nginitian niya ito at pumunta na dun sa lagi nilang pwesto. Kilalang kilala na sya dun dahil matagal na nga silang pumunta sa Coffee House na yun.

"Milk tea for Ms. Thessa," sabi nung nasa counter kaya pumunta na agad ito dun para kunin bumalik din agad ito sa pwesto nya. Nilapag nya ito sa table at kinuha sa bag nya ang laptop at naglogin sa website nya/blog nya.

Now I know why all of this happened to our life, bakit nilihim ni Sofia ang tungkol dun, bakit nagawa yun ni Vhon, bakit agad naunawaan yun ni Vhen, bakit ganun ang sinabi ni Clarisse, at bakit gusto ni Ken na patawarin sila.

Its because Sofia and Vhon deserve my forgiveness. I made a mistakes at pinagsisisihan ko yun.

Ipinost na ito ng dalaga at pinatay na din ang laptop niya. Itinago na niya ito sa bag nya. Inintay na lang nyang dumating yung mga kaibigan niya at tumingin ito sa wrist watch nya.

"06:30pm na pero wala pa rin sila sabagay wala naman akong oras na binigay," pagkasabi nya yun sabay itong nagbuntong hininga.

Mamumutawi sa dalaga na talagang nakalimutan na nya lahat ng ginawa ng mga ito sa kanya. Ilang minuto ay dumating ang nakausap nitong si Vhon.

"Kanina ka pa?" tanong ng binata dun na may pagkahiya dahil nauna pa ang dalaga sa usapan nila.

"Oo, pero okay lang," sagot nito ng may ngiti.

"Sorry Ruth!"

Nginitian nya lang ulit ito at natahimik ang paligid nila, "Order ka na," pagbasag ng dalaga sa katahimikan.

"Mamaya na lang, tatawagan ko sila na dalian na. Teka l--," hinablot nito ang kamay nito at pinaupo.

"Bakit Ruth?"

"Hayaan muna sa kasong ito walang nauna at walang nalate kasi wala namang time na usapan. Basta dadating sila, tama ako diba?"

"Oo, excited nga sila."

Natahimik ulit silang dal'wa. Mamumutawi sa mukha naman ng binata na sobrang nagagalak itong ayos na ang pakikitungo ng dalaga sa kanya walang paglagyan ang saya niya. Nabasag na lang ang katahimikan nila ng biglang nagdatingan yung iba.

"Naku pasensya na nalate kami kanina pa ba kayo," bungad ng dalaga na si Sofia.

Sinenyasan ng binata ang mga ito na umupo na, agad naman ang mga itong nagsiupuan. Sina Vhon, Sofia, at Vhen ay nasa kabilang side si Ruthessa naman at si Ken ay nasa kabila naman.

"Kanina pa ba kayo?" tanong ulit ng dalaga.

"Oo, pero okay lang order na kayo."

"Okay," sagot naman nito. Nagpaubaya na ang binata na si Vhen na sya na lang ang bibili sinabi na ng mga ito ang gusto nila si Ruthessa naman ay di na nagpabili pa. Pagkabalik nito ay kinuha agad ng mga ito ang order nila.

"Ngayong lahat nandito na tayo maaari ko ng sabihin lahat," agad naman panimula ng dalaga na si Ruthessa.

"Ano nga ba yung sasabihin mo?" tanong naman ng katabi nitong si Ken.

"Napagtanto ko sa mga nasabi ng mga taong iniintindi ang nararamdaman ko na hindi naman tama na pinahihirapan ko kayo kasi naman hindi nyo naman talaga ako pinahirapan pinadali nyo lang ang sitwasyon ko, oo nga lang sa maling paraan, kaya naman," napatigil ang dalaga sa sinasabi nito.

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon