Bestfriends

394 9 1
                                    

1.

Tama na. Sigaw ng isip ko. Gusto ko siyang iligtas, tulungan at ialis sa kapahamakan ngunit pag ginawa ko iyon pareho kami ng magiging sitwasyon. Mamamatay rin ako. Ayaw ko. Hindi pa ako handang mamatay.

Hindi pwede! Ahhhhhhh no! Ba--bakit? Pinatay niya si... Nanlaki ang mga mata ko. This is not happening.

"Hindddddddi," Sunod sunod na tunog ang narinig ko. Tunog ng ambulansya at sasakyan ng pulisya. Hindi ako makagalaw sa takot at kaba na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano magrereact sa nangyari.

"Hulihin niyo siya!"

"Ba--bakit ako? Hindi ako iyon. Hindi ako ang pumatay. Hindi sinabi ako!"

"Anak. Hey anak. Gumising ka ano bang nangyayari sayo?"

Napahiyaw ako ng malakas dahil sa di ko na kaya ang nangyari.

Isang panaginip lang pala. Isang panaginip na naman.

"Mom!"

"Anak?"

"Mom, I saw her killed that guy. Natatakot ako mommy a--anong ga--gagawin ko?"

"Hey anak it's just a dream. Okay? Hush now. Don't worry it's not true."

Napahinga ako ng malalim. Ano bang pinagsasasabi ko? No, ano ba iyong nakita ko? Sino ang lalaki na iyon? Bakit huhulihin ako ng mga pulis? Hindi naman ako ang may kasalanan.

"Anak?"

Hindi panaginip lang yun Ruthessa walang katotohanan. Panaginip lang hindi kailanman magiging totoo iyon.

"Sorry mommy. Mag peprepare na po ako baka malate pa po ako sa first day of school."

"Sige anak."

Tinapos ko na lahat ng gawain ko at bumaba na ako para magbreakfast. Pagkatapos ko ay nagpaalam na din ako kay mommy.

"Take care my only princess." She said.

Pagdating ko sa campus na papasukan ko at katutungtong ko pa lang sa loob ay lahat ng tao'y nakatingin sa akin. What's the matter with them? May dumi ba ako sa face ko? Bakit para naman silang nagagandahan sa akin? Di ko sila masisisi totoo naman talaga na maganda ako.

Okay. Hayaan muna maganda ka talaga. Makapasok na nga at baka malate pa ako sa orientation na pakuno ng school na ito.

"Hi." Isang nerd ang lumapit sa akin at binati ako. Ilang beses na naman ba akong ma iirita sa ganito. Hanggang ngayon ba may ganito na namang tagpo?

Hindi ko siya pinansin.

"All freshman go to the gymnasium." Anunsyo ng kung sino mga tao ang nasa audio room.

Sumunod naman ako. Hindi ko balak magkalat sa school na ito lalo na't ayaw kong may kung ano na namang masabi ang taong kinaiinisan ko.

"Hi."

Isang lalaki naman ang bumati sa akin na may kasama babae na.

"Hello!" Bati ko. Sinamaan naman ako ng tingin niyong babaeng kasama ng lalaki. Inano ko siya? And whatever who cares?

"Anong name mo?" Tanong ko.

"I'm Ken, Ken Abellana." Pagpapakilala nito.

"Nice meeting you Ken Abellana. My name is Ruthessa Jane Briones."

Gulat ang binigay niyang reaksyon sa akin.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Ken Abellana.

"Briones?"

My Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon