CHAPTER 21

7.5K 119 3
                                    

Shelby's POV









Inaayos na namin ang mga gamit ko para makauwi na kami sa bahay. Pwede na daw kasi akong umuwi sabi ng doctor. Basta daw wag lang akong magpapa-stress at masyadong magpagod. Medyo maselan daw kasi ako mag-buntis and I need to bed rest for three months.









Habang nag-aayos kami nila Mommy at Louise ng mga gamit ay nagulat kami sa biglang pumasok sa kwarto.










" Sino po kayo? Ano pong kailangan niyo? "     tanong ni Louise sakanya.










Nagkatinginan kaming dalawa. Pero mabilis niyang ibinalik ang tingin niya kay Louise at mommy tapos bumalik ulit ang tingin sakin.










" Shelby. "     sabi ni Sir Lander.









Si Sir Lander ang biglang pumasok sa kwarto.











" Kilala mo siya anak? "     tanong ni mommy.










Napatingin naman ako kila Mommy at Louise. Sasabihin ko ba sakanila na ang lalaking nasa harap namin ngayon ay ang lalaking magiging ama ng anak ko?!










" Uhm... Ma'am, ako nga po pala si La---- "







" Siya po yung bagong supervisor namin mommy. "     putol ko sa sasabihin niya.








Gulat niya akong tinignan dahil sa bigla kong pagsingit sa sasabihin niya pero hindi ko iyon pinansin. Alam na nila mommy na Lander ang pangalan ng ama ng anak ko. Kaya kapag nagpakilala siya ay sigurado akong malalaman nila mommy na siya ang daddy ng baby ko.






" A, siya ba iyong bago mong boss? "    si mommy.







Tumango naman ako sakanya bilang sagot.     " O-opo mom. Binisita niya lang po ako dito kasi siya po yung nagdala sakin dito nung hinimatay ako. "








Kitang-kita sa mukha ni Sir Lander ang pagkagulat at pagkalito sa mga inaakto ko ngayon. Ayoko sanang malaman nila mommy na boss ko pala ang ama ng dinadala ko.









" Nako sir! Maraming salamat po sa pagdala niyo sa anak ko rito. Kung hindi ho dahil sainyo e baka kung ano na po ang nangyari sakanya at sa magiging apo ko. "     sabi ni mommy sakanya.






Nanlaki naman ang mata ko sa nasabi ni mommy. Muli na naman tumingin sakin si Sir Lander pero this time ay kitang-kita ko na sa mukha niya na alam na niya ang dahilan kung bakit hindi ko siya pinagsalita kanina.







Bumaling ang tingin niya kay mommy at ngumiti.     " It's my duty to take care of my fiancé and my child, ma'am. By the way, nice to meet you. I'm Lander Cris Brooke. "









Mas nagulat ako sa mga sinabi ni Sir Lander. Fiancé? Kailan niya pa ako naging fiancé?







" Lander? Teka, ibig sabihin, ikaw yung daddy ng magiging baby ni Ate Shelby? Pero ikaw rin ang boss niya? "     naguguluhang tanong ni Louise.







" Yes! I'm her supervisor and at the same time, I'm the father of the unborn baby of Shelby. "     pormal ngunit nakangiti niyang sabi kay Louise.







Lumingon naman sakin si mommy ng naguguluhan. Kinakabahan ako. Baka imbes na okay na sakanila, e magalit pa sakin si mommy sa hindi ko pagsabi ng totoo.






Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon