CHAPTER 68

7.4K 93 0
                                    

Shelby's POV


Nakahanda na ako para sa engagement party nila Chona and Caiden. Gaganapin ito sa hotel at sigurado akong marami ang dadalo. Lumapit ako sa kambal at nilagyan ko si Shane ng headband. One week na sila ni Lewis at talaga naman napaka-cute ng mga anak ko. Ang taba-taba din nila. Paano ba naman, ang lakas nilang dumede sakin. Buti na lang at malakas din ang gatas ko. Pero minsan, naka-bottle sila. Mabilis sila magutom kaya hindi narin sapat kahit malakas ang gatas ko.


" Ang cute naman nila! "   tuwang-tuwang sabi ni Louise.


" Ang bilis lumaki ng baby mo, Shelby. One week pa lang, pero ang taba-taba na nila. "   sabi naman ni daddy.



Kinarga ko si Shane. " Nako daddy pwera usog. "


Pagkasabi ko non ay nagtawanan kaming tatlo at nilaro na ang kambal. Karga naman ni daddy si Lewis. Hanggang halik at yapos lang si Louise sa kambal. Natatakot kasi siyang kargahin eh. Hindi daw siya marunong.


Actually, ako rin naman. Hindi parin ako talaga marunong sa lahat tungkol sa pag-aalaga ng bata. Medyo nag-aadjust pa ako lalo na pagdating sa puyatan. Si Lewis ang palaging late matulog. Gusto niya ay nilalaro pa siya sa madaling araw. Siya din ang mas malakas dumede. Si Shane naman, grabe ang lakas umiyak. Nakikita ko nga ang sarili ko sakanya. Naiisip ko na paglaki niya siguro ay magiging bungangera din ito katulad ko. Pero hindi naman niya ko pinapahirapan sa oras ng pagtulog. Kasi sakanilang dalawa ni Lewis, siya ang pinaka-madaling matulog. Antukin rather. As in palagi siyang tulog.



Habang busy kami na nilalaro ang kambal ay pumasok si Caiden. Sandali akong natigilan sa kabuuan niya.


" Are you starting to fall in me again? "   pagbibiro niya sakin ng matigilan ako.


" Baliw! Anong feeling mo? Gwapo ka? Haha! "   sabi ko naman.

" E bakit ka natigilan diyan? "   tanong niya naman.


Tinarayan ko siya. " Ngayon ka lang naman nagmukhang tao, Caiden. I must say, you look handsome. "


Totoo naman kasi. Ang gwapo niya ngayon sa suot niyang grey suit. Tapos napaka-presentable ng dating niya. Talagang nag-ready siya dito sa party na ito.


" Oo na nga! Hindi talaga ako makapalag sainyo ni Chona. Magkaibigan nga kayo--- aww!!! "


Paano ba naman, kinurot siya ng bahagya ni Chona sa tagiliran. At nang makita namin siya ay talaga naman napahanga kami sakanya ngayon.


" Ate Chona ang ganda mo! "   manghang sabi ni Louise.


" Thank you, Louise. Okay na ba kayo? Lalakad na tayo. "   sabi naman ni Chona.


Lumapit siya samin at kakargahin niya sana si Shane ng pigilan ko siya.


" Nako wag na Chona! Magugusot lang yang magarang damit mo. "   pigil ko sakanya.


" Ano ka ba naman, Shelby! Okay lang yan. Isa pa, gusto kong mag-practice. "   sabay siko sakin ni Chona at may binulong. " Sabi kasi sakin ni Caiden, gusto daw niya ng honeymoon baby. "


Napangiti naman ako sa binulong niya. Ang kulit talaga ng mag-fiance na ito. Ayaw paawat!


Wala na akong nagawa kundi ibigay kay Chona si Shane. Natuwa pa nga kami ng pagbigay ko sakanya si Shane ay biglang tumawa. Lumabas tuloy ang malalim niyang dimple. Actually, pareho sila ni Lewis may dimple. Pero hindi pa masyadong malalim. Ako ang may gawa niyan. Sa hospital pa lang kasi, diniinan ko ng cotton buds ang magkabilang pisngi ng kambal. Sabi kasi nila, kung gusto daw magka-dimple ganon lang daw ang gawin. Kaya inaraw-araw ko yon hanggang ngayon. Kaya ayan, medyo nagkaka-dimple na sila.


Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon