CHAPTER 34

1.8K 28 0
                                    

Caiden's POV






Iniwanan ko muna sila Chona at Shelby para makapag-usap. Actually, hindi naman talaga ako pupuntang restroom. Sinadya ko talagang magpaalam para maiwanan sila at makapag-usap. Iyon talaga ang plano namin ni Chona. Noong una, akala ko hindi na siya sasama sakin para kausapin si Shelby dahil sa nangyari sa amin kagabi. Kaya naman natuwa ako ng magreply siya sakin na sasama siya. Kaya naman bumili ako ng bulaklak para ibigay sakanya at mag-sorry sa nangyari. At iyon ang nakita ni Shelby kanina.








Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Simula kasi ng halikan ko si Chona kagabi, may iba akong pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong masaya ako sa kung ano yung nararamdaman ko ngayon.








Kanina nung nakita ko siya, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. At halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Ibang-iba sa reaksyon ko nang makita ko si Shelby ngayon.











Hindi ko maintindihan pero parang normal lang. Masaya ako pero hindi ganon kasaya nung nakita ko si Chona. Ewan ko! Basta naguguluhan ako.









Pabalik na ako sa table namin ng mamasdan ko silang dalawa na nagtatawanan na. At sa nakikita ko ay mukhang nagka-ayos na sila. Kaya naman naglakad na ako pabalik sakanila. Nakangiti nila akong sinalubong.









" Ang tagal mo naman yata sa restroom? " tanong sakin ni Shelby.










" Sorry, may kinausap lang ako sa phone. " pagsisinungaling ko kay Shelby.










Napatingin naman ako kay Chona at nag-senyas siya ng thank you sa akin. Ngumiti naman ako sakanya.









" Uhm, ako naman yata yung kailangan mag-restroom. " biglang sabi ni Chona.









Bumaling naman ng tingin sakanya si Shelby. " H-ha? I-iwan mo kami? "








" Saglit lang ako. Kailangan kong mag-cr e. "









Pagkasabi ni Chona non ay tumayo na siya at naglakad palayo. Saglit na natahimik ang table namin. Nakayuko si Shelby. Halata sakanya na kinakabahan siya.










" Did Lander told you what's my decision? " basag ko sa katahimikan.











Napatingin siya sakin. " H-ha? "













" Iyong tungkol sa set-up niyo? "










" A-ah, tungkol don. O-oo nasabi niya na sa akin. Pero wag kang mag-alala Caiden, okay lang sakin iyon. " pormal na sabi niya.











Saglit ulit kaming natahimik. Hanggang sa sabay naming natawag ang isa't-isa.










" Caiden... "










" Shelby... "











Natawa naman kami sa pagkakasabay namin. At dahil sa nangyari iyong, medyo gumaan ang loob ko para makausap siya ng maayos. Kanina ko pa kasi iniisip kung paano kami makakapag-usap ng maayos. Iyong hindi kami magkakasakitan. Iyong hindi kami iiyak. Pero sa nakikita ko ngayon mukhang okay na makapag-usap na kami ngayon.









Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon