Lander's POV
" Lander ang dami mo namang binili. " sabi ni Shelby ng dumating ako.
" It's okay, wife. Para naman sa kambal ito eh. " sabi ko naman.
" Ikaw talaga! Hindi pa nga sila lumalabas, inii-spoiled mo na agad. "
Inakbayan ko naman si Shelby at hinalikan sa pisngi. " Hayaan mo na ako, Shelby. Excited na kasi akong makita sila eh. "
Napa-iling na lang ang asawa ko at walang nagawa. Isa-isa na lang niyang niligpit ang lahat ng pinamili kong gamit para sa kambal. Two months na lang kasi ay manganganak na si Shelby. Kaya naman lahat ng kailangan niya at ng magiging baby namin ay binili ko na.
At pagkatapos niyang managanak ay ihahanda na namin ang kasal. Ang totoong kasal! Hindi na peke at wala ng kontratang involve. Ilang araw na din kasi akong nag-iisip. Na kahit vocal na kami sa nararamdaman namin ngayon, alam kong may mali parin. At yun nga yong pekeng kasal namin. Kaya bago pa sana malaman ng lahat na hindi pa kami legal, gusto ko ng totohanin ang lahat.
Nong napag-usapan namin ni Shelby ang tungkol don, alam kong nag-worry siya. Yung tungkol sa kontratang ginawa namin, yung kailangan niyang umalis once na makapanganak na siya, alam kong iniisip niya yon. Kaya naman pinunit ko yon sa harap niya kahapon. Katunayan na wala ng aalis sa buhay ng isa't-isa. Na magsasama kami at magiging masaya.
I love her so much that I will do everything just to make her stay in my life. Siya at ang magiging baby namin ang gusto, wala ng iba.
Ngayon ko lang naisip na hindi pala nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano kayo katagal magkakilala. Minsan, kahit saglit mo lang siya nakasama, kapag naramdaman mo talaga na mahal mo na siya, hindi mo na yon maitatago pa.
Katulad na lang ng nangyari samin ni Shelby. It was just an accident. That moment in the middle of the night, that we had a great time in bed, that was unexpected. But that night is the reason why were happy like this. And I didn't expect that im gonna be happy with her like this. Siya lang ang nagpasaya sakin ng ganito. Maski kay Judy non ay hindi ko naramdaman ang ganitong ligaya.
" Sir Lander, may bisita po kayo. " biglang sabi ni Cecile.
Si Cecile ang naging kapalit ni Manang Fely dito sa bahay. Dalawang linggo na siya dito dahil si Manang Fely ay kailangang umuwi sa probinsya nila. Sinuggest na din kasi ni Shelby na pagpahingahin narin si Manang Fely. Kaya si Cecile ang binigay ni Manang Fely samin. Pamangkin niya ito at namatay na ang kanyang tatay. Kaya naman kailangan niya na agad mag-trabaho.
" Sino daw? " tanong ko.
" Hi! " biglang sulpot ni Alexa at niyakap ako at hinalikan.
Hinalikan niya ako... sa labi.
Agad ko siyang tinulak sa sobrang gulat ko kaya naman napaupo siya sa sahig.
" What the... "
" What the hell, Alexa? Ano bang ginagawa mo? " galit na tanong ko.
" Bakit? Hindi ko ba pwedeng halikan ang taong mahal ko? " tanong niya din.
" Ano bang pinagsasasabi mo? Were just friend, Alexa. And you know that im married! " sigaw ko sakanya.
She smirk at me at tumayo. " Really? Married? If I know, your marriage is fake! Hindi kayo totoong kasal. At hindi kayo totoong mag-asawa. "
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman yon? Wala naman kaming ibang pinagsabihan non.
" What are you talking about? "
Tumawa siya ng nakakaloko. " Don't act like you didn't know what im talking about, Lander. Alam mong sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakaalam ng sinasabi ko. "
" I don't know what your talking about, Alexa. Kung wala ka ng ibang sasabihin, makaka-alis ka na. " seryosong sabi ko.
" I love you, Lander. I love you since high school days. And im still loving you until now. Hindi naman kayo totoong kasal ni Shelby diba? Iwan mo na siya! Tayo na lang, Lander. Handa akong maging asawa mo. Handa akong iwan ang pag-momodel para sayo. "
" Shut the fuck up, Alexa! Ano bang nangyayari sayo? Mahal ko si Shelby. At kung ano man ang sinasabi mo, hindi yan totoo! " sigaw kong muli sakanya.
" Iwan mo na ang babaeng yon, Lander! Hindi siya bagay sayo! She's a bitch! Inagaw niya kay Isabel ang lalaking mahal niya. Mang-aagaw siya! "
" Anong sabi mo? Kilala mo si Isabel? "
Napalingon kami sa may hagdan sa second floor. Si Shelby ang nagsalita habang pababa at palapit samin.
" Anong sinabi mo, Alexa? Kilala mo ba si Isabel? " tanong ulit ni Shelby sakanya.
Alexa smirk. " Ano naman sayo kung kilala ko siya? Yes! I know her very well. Infact, were bestfriends. Kaya alam ko lahat ng mga ginawa mo sakanya. Ang pang-aagaw sa boyfriend niya. At ngayon, si Lander naman? She's right! You're a bitch, and a gold digger. "
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.
" Lander! " awat sakin ni Shelby.
" Shut your mouth, Alexa. Or I will slap you again. Wala kang karapatan pagsalitaan ang asawa ko ng ganyan. " galit na galit na sabi ko.
Hindi ko alam na magkaibigan pala sila ni Isabel. Bakit nga ba hindi ko naisip yon, they are same models. Kaya magkakilala sila. Pero hindi ko akalain na magiging katulad niya si Isabel.
" Kaya mo na kong saktan dahil lang diyan sa babaeng yan? Wala na ba talaga sayo lahat ng pinagsamahan natin? " naiiyak na sabi niya.
" Walang tayo, Alexa. Were just friends. " mariing sabi ko.
" Kung ano man ang sinabi sayo ni Isabel, hindi yon totoo Alexa. Kaya wag mo sana akong husgahan dahil hindi mo pa ko lubusang kilala. " biglang sabi ni Shelby.
" Hindi! Mang-aagaw ka! Inagaw mo sakanya ang boyfriend niya. Kaya hindi ka bagay kay Lander. Katulad ka lang din ng dati niyang girlfriend na mukhang pera. "
And after that, I gave him another slapped.
" Leave now Alexa! Kung ayaw mong mamaga ang pisngi mo kakasampal ko! Leave! " sigaw ko sakanya.
Tinignan niya ko ng masama at naglakad na palabas. Paglabas ni Alexa ay agad kong hinawakan si Shelby dahil nakita kong haplos-haplos niya ang kanyang tiyan.
" Are you okay? " nag-aalalang tanong ko sakanya.
" L-lander, ano ba yon? Ano ba talaga ang nangyari? " naiiyak na sabi niya.
Pinaupo ko si Shelby sa sofa at binigyan ko ng tubig.
" Calm down. " sabi ko sakanya.
" Kilala niya si Isabel. Kaya pala ayaw niya sakin dahil nasiraan na ako sakanya. Siguro, kung ano-ano na ang mga sinasabi ni Isabel sakanya. " naiiyak paring sabi niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko rin alam kung bakit ganon si Alexa kanina. Kung ano ang pumasok sa isip niya. Pero hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng sinabi niya sa asawa ko. Kung paano niya nalaman ang tungkol sa pekeng kasal namin ay hindi ko alam.
" Wag ka na mag-isip, Shelby. Hayaan mo na sila. Basta masaya tayo, hayaan mo na sila. " pag-cocomfort ko sakanya.
Tumango na lang siya bilang sagot. Tapos ay inalalayan ko siya papuntang kwarto namin para makapagpahinga.
Alam kong nai-stress siya sa nangyari kanina. Kahit ako, hindi ko inaasahan na manggugulo si Alexa. Pero hanggang dito na lang siya. Hindi ko hahayaan na guluhin pa niya kaming muli. Hindi na ako papayag.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...