Caiden's picture on the side ----->
On the top if you're on mobile
Caiden's POV
Buti nalang nakagawa ako ng paraan para masukat ang daliri ni Shelby last night on our date. Kundi, nanghuhula ako ngayon kung anong size ng ring ang bibilihin ko para sakanya.
Nasa isang jewelry shop ako kasama ang little sister ko para matulungan niya ko sa paghahanap ng singsing. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang mga taste ng babae pagdating sa jewelry. I never shop for a girl before. And this is the first time I will give a gift for a girl. Kaya naman I have no idea kung ano ba ang dapat bilihin. Ang alam ko lang, basta may malaking diamond masaya na sila. Pero iba kasi si Shelby. Simpleng babae lang siya na hindi mahilig sa mamahaling bagay. Though she looks kikay and gorgeous pero aakalain mo bang sa divisoria niya lang lahat binibili ang mga suot niya? Magaling kasi siyang pumili ng damit kahit mumurahin, at kapag kasama mo siya magshopping, siguradong may pang-merienda ka pa dahil sa kakuriputan niya. Kahit mura na yung item ay pilit niyang binabarat ang tindera. Haha!
Yun din ang isa sa mga traits niya na kinaaliwan ko sakanya. Nag-eenjoy nga kaming dalawa kapag namimili kami sa divisoria e. Minsan don na rin ako bumibili ng mga simpleng damit ko. Sakanya ako natuto magtipid at mamuhay ng simple. And I really like it a lot. Ngayon ko lang na-realize na ang saya din palang maging isang simpleng tao ka lang.
" Kuya this one is nice. " biglang sabi ni Chelsea sa isang singsing na hawak niya.
" Para sainyo po ba, ma'am? " tanong ng isang sales lady na nag-aassist samin.
" Nope! It's for my Kuya's girlfriend. " nakangiting sagot ni Chelsea.
" Can I see it? " tanong ko kay Chelsea at binigay sakin ang singsing na hawak niya.
Masyadong maarte ang details ng singsing, malaki ang diamond nito at may maliliit na ding diamon na nakapaligid sa kabuuan ng singsing kaya for sure hindi magugustuhan ni Shelby ito. Bakit kasi eto pang kapatid ko ang sinama ko?! Sana si Phoemela nalang o kaya si Chona, pero hindi rin naman pwede dahil imbis na maging lihim at surprise ang pinaplano ko ay baka hindi matuloy sa kadaldalan ng dalawa iyon. Lalo naman si mommy, baka sa sobrang tuwa non ay ipamalita na sa buong angkan namin ang plano ko. Kaya si Chelsea na lang ang naisip kong isama dahil masyado siyang takot sakin. Kaya alam kong kapag pinagbantaan ko siya ay hindi niya sasabihin kahit kanino. Alam niya ring hindi na siya makakatikim ng kahit anong shopping spree mula sakin. 'Yon lang naman ang kaligayahan ng aking little sister, ang mag-shopping ng mag-shopping. Puro cabinet na nga sa loob ng kwarto niya dahil sa dami ng mga damit niya.
" Chelsea baka hindi ito magustuhan ni Shelby. " sinauli ko yung singsing sa case. " Pumili ka ng mas simple pero maganda. " dugtong ko pa.
Nagtingin-tingin pa kami ng iba't-ibang klaseng singsing at may nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ito sa lagayan at tinignan, sinukat ko sa ribbon na dala ko, ito kasi yung ginamit kong pansukat sa daliri ni Shelby last night. Pagsukat ko ay saktong-sakto lang. Nagustuhan ko ang singsing dahil sa simple lang siya. Maliit lang ang bato sa gitna pero mas makinang kesa sa unang napili ni Chelsea.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
Storie d'amoreAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...