CHAPTER 65

6.7K 99 0
                                    

2 months later...


Shelby's POV


" Aaaaahhhhh!!! "   sigaw muli ng iutos sakin ng doctor.


" Another one Shelby. Okay, inhale... exhale... pussshhh!!! "


" Aaaaahhhhhh!!! "


Naramdaman ko na na parang nandon na siya sa malapit. Hanggang sa maya-maya pa...


" Uwaaahhh!!! "


" Your first baby is a boy! "   masayang sabi ng doctor.


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang baby boy ko na nililinisan ng mga doctor. Tapos maya-maya pa ay nanakit na naman ang tiyan ko.


" Kaya mo pa ba, Shelby? Isa na lang. "    tanong sakin ng doctor.


Tumango ako bilang sagot. Sobrang sakit na ng tiyan ko. Humihilab na naman siya.


" Okay, isa pa ulit ha? Inhale... exhale... then pussshhh!!! "



" Aaaaahhhhh!!! "

" Uwaaahhh!!! "


" And this is your baby girl! "   sabi muli ng doctor.


Muli nilang nilinisan ang huling baby ko. Habang pinagmamasdan ko sila, tumutulo ang luha ko. Pero sa pagtulo ng luha ko, wala naman pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko. Tears of joy! Sa wakas! Sa loob ng siyam na buwan, nakita ko narin ang kambal na matagal ko ng hinihintay.


Habang pinagmamasdan ko sila habang binabalot sila, nakakaramdam na ako ng panghihina. Nakakapagod pala manganak. Lalo na at kambal ang nilabas ko. Hinihingal ako. At hindi ko na napigilan na mapapikit.







-----------------------------------------------------







Lander's POV


" Dito na lang, Lander. Thank you sa paghatid. "   sabi ni Alexa.


" Wala yun! Pasasalamat ko narin ito sa tulong mo sakin. "    sabi ko naman.


Nandito kami ngayon sa airport. Babalik na kasi siya sa states at magta-trabaho. Tapos na kasi ang bakasyon niya dito kaya naman kailangan na niyang bumalik doon.


" Im really sorry talaga, Lander. Hindi natin nahanap si Shelby. "   bigla siyang nalungkot.


" Don't be, Alexa. Ginawa mo naman ang lahat. "


" So, paano na yan? Hindi na kita matutulungan. Gustuhin ko man, but I have commitments in the states. "


" It's okay! Hindi parin naman ako titigil hanapin si Shelby. Lalo na ngayon, kabuwanan na niya at anytime, manganganak na siya. "


" Sana talaga mahanap mo na siya. Para naman makita mo narin ang baby niyo. Paano, mauna na ako ha? "


Niyakap ako ni Alexa at niyakap ko rin siya. Matagal-tagal na hindi na naman kami magkikita. Kahit na may nangyaring hindi maganda, alam ko naman na mabuting tao si Alexa. Alam ko naman na hindi siya ganon kasama.


Nang maghiwalay kami ay pumasok na siya sa loob ng airport. Naghintay pa ako don at pinanuod ko siya na pumasok hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi narin ako nagtagal don at umalis na. Ngayon wala na siya, ako na lang mag-isa ang maghahanap ngayon sa asawa ko.


Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon