CHAPTER 39

6.4K 119 0
                                    

Shelby's POV


Pagpasok ko ng resthouse na tinutuluyan namin ay agad akong nagtungo sa kwarto at kinuha ang bag ko. Isa-isa kong sinalansan ang mga damit doon habang umiiyak.


Hindi ko inaasahang masasabi sakin ni Lander ang mga yon. Pakiramdam ko ang landi-landi ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.


Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa bag at naupo sa kama. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na ganon ang tingin niya sakin. Sa ilang araw naming naging masaya, hindi ko akalain na ganon parin ang tingin niya sakin. Hindi ko alam na malanding babae ako sa paningin niya. Ang sakit! Sobrang sakit!


Habang umiiyak, bigla akong napatingin sa naka-umbok kong tyan. Hinaplos-haplos ko ito.


" Alam kong nabuo ka lang sa isang malaking pagkakamali baby. Masakit man na malandi ang tingin sakin ng daddy mo, pero mahal na mahal kita. "


Sabi ko sa tyan ko. Alam kong hindi pa man siya buong-buo, pero nararamdaman niya kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon.


Pinahid ko ang mga luha ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga damit ko sa isang bag. Hindi maganda para kay baby na umiiyak ako. Kaya dapat kayanin ko lahat ng mga masasakit na nararamdaman ko ngayon. Alam ko namang hindi madali, pero kakayanin ko ito.


Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Louise.


" Hello ate! Kamusta ang bakasyon? Nag-eenjoy ka ba? "   bungad sakin ni Louise sa kabilang linya.


" Sunduin mo ko dito. "   maikling sagot ko.


" Ha? Bakit? May problema ba? "   tanong niya na may pag-aalala.


" Basta, sunduin mo na lang ako. Itetext ko sayo yung address okay? "   huling sinabi ko at pinatay na ang tawag.


Pagkapatay ko ay agad ko naman tinext sakanya ang address ng tinutuluyan naming resthouse. Alam kong matatagalan pa siya sa pag-sundo sakin. At alam ko rin na matatagalan pa ang pagsasama namin dito ni Lander. Pero wala na akong magagawa don. Ang gusto ko lang ay makauwi na ako at ayoko na muna siyang makausap.


Nahiga muna ako habang hinihintay si Louise sa pagpunta niya dito. Maya-maya pa ay may biglang kumatok sa kwarto.


" Shelby! Shelby! Please talk to me! Shelby! "   sigaw ng nasa pinto.


Kahit hindi ko pa siya nakikita, kilala ko na agad kung sino siya.


" Shelby please! Talk to me! Okay, im sorry! Im really sorry! "   sigaw niyang muli sa pinto habang kinakalampag ito.


" I dont want to talk to you, Lander! So please, leave me alone! "   sigaw ko rin sakanya.


Hindi ko pa kaya siyang harapin. Masyadong masakit ang mga sinabi niya sakin. Parang hindi ko pa kayang tanggapin ang sorry niya.


" Please Shelby! Im sorry! Im sorry for all what I've said. I admit, I got jealous. Ayokong nakikita kang may kausap na iba! Ayokong nakikita kang masaya sa iba. Gusto ko sakin lang, sakin lang Shelby. "   sabi niyang muli.


Nagulat ako sa sinabi niya. Nagseselos siya? Pero bakit naman siya magseselos? Ang sabi niya, liligawan niya ako para mabuo kami bilang pamilya. Para makapag-simula kami ulit na wala ng halong kasinungalingan. Yun lang! Pero bakit siya mag-seselos? Bakit?


" Shelby please! Patawarin mo na ako. Alam kong mali ang mga sinabi ko. Alam kong nasaktan kita. Mali ako don. Sobrang mali! Pero hindi ko sinasadya ang lahat. Nadala lang ako ng galit. Ng selos. Kaya please, please Shelby, patawarin mo na ako. "   pagmamakaawa ni Lander.


Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon