Shelby's POV
Pag-alis na pag-alis ni Lander ay agad akong tumakbo sa kwarto ko at umiyak.
Bakit ganun?! Bakit ang bilis pumayag ni daddy?! Hindi man lang ba niya naisip ang nararamdaman ko?! Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung gusto ko bang magpakasal sa taong yun o hindi?! Bakit basta-basta na lang siyang nagdedesisyon ng hindi man lang isina-alang alang ang nararamdaman ko.
Lander Cris Brooke!! Ang lalaking yun!! Hindi ko siya mapapatawad!! Kinamumuhian ko siya!! I really hate him!!! Talagang ginawa niya talaga ang plano niya. At wala siyang pakialam sakin!
Habang umiiyak ako sa kama ay biglang bumukas ang pinto at niluwa noon sila mommy at daddy.
Agad akong bumangon at naupo. Agad ko rin pinunasan ang mga luha sa mata at pisngi ko at yumuko ako. Hindi ko sila tinitignan.
" Galit ka ba sakin, anak? " tanong ni daddy ng makaupo siya sa kama ko.
Hindi ako sumagot at nakatungo parin ako.
" Anak, sana maintindihan mo kung bakit yun ang desisyon ng daddy mo. " sabi naman ni mommy.
" Pero mom, dad, hindi ko po siya mahal. " naiiyak na sabi ko sakanila.
" Matututunan mo rin yun in time. Ang concern natin ngayon ay ang magiging anak mo. Gusto mo bang lumaki ang anak mo na walang kikilalaning ama? Gusto mo bang maging bastarda o bastardo siya? Gusto mo bang pagtampulan siya ng mga mapanghusgang mata ng mga tao? Anak, sana maintindihan mo na ginawa ko iyon para rin sainyo ng anak mo. Isa pa, handa naman ang lalaking yon na panagutan ka. Na pakasalan ka. " pag-eexplain ni daddy.
Kung alam niyo lang ang kapalit ng ginagawa niya, hindi siguro kayo papayag sa kagustuhan niyang iyon.
Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko parin maintindihan. Bakit kailangang intindihin ang sasabihin ng iba?! Hindi ba kami pwede mamuhay ng normal ng anak ko?! Yung kami lang?! Kahit hindi na kasama ang ama niya. Marami naman diyan katulad ko, isang single mom. Kayang-kaya kong buhayin ang anak ko kahit wala ang tulong ni Lander.
" Anak, sana naman maintindihan mo. Saka mukha naman mabait ang ama ng anak mo. Biruin mo siya na ang mismong lumapit sa atin para alukin ka ng kasal. Mukha naman siyang responsableng tao, Shelby. " sabi ni mommy.
Hindi ako sumagot. Mabait?! Kung alam mo lang mommy. Kung alam niyo lang ni daddy ang tunay na pakay ni Lander kung bakit niya ako gustong pakasalan. Kung alam niyo lang na gagawin niyang peke ang kasal at gagawa siya ng kontrata para makuha ang bata. Na hindi niya rin naman ako mahal talaga. Na yung bata lang ang gusto niyang panindigan. At kapag nakuhs niya na ang anak ko, wala ng bisa ang kasal. Wala na siyang pakialam sakin.
" Anak, patawarin mo si daddy kung ganun ang inasta ko kanina ha? Ayoko lang kasi na marami kaming marinig na masasamang salita laban sayo. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin diba? At andito lang kami para sayo. " paliwanag ni daddy at niyakap ako.
Sumabay narin si mommy sa pagkakayakap sakin. Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong hininga. Alam ko naman na concern sila sa akin at mahal nila ako. Kaya rin siguro nila gusto ituloy ang kasal dahil para narin maiwasan na pagtsismisan ako. Dahil alam kong masasaktan din sila sa kung anong maririnig nilang masama tungkol sakin.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...