Shelby's POV" Ate, ang ganda-ganda mo. " manghang sabi ni Louise sakin.
Napangiti ako sakanya at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Katatapos ko lang make-up-an ng all around stylist na pinadala dito ni Tita Cristella sa hotel na tinutuluyan namin nila Louise ngayon.
" Talaga ba? Baka mamaya nangbobola ka lang. " biro ko sakanya.
Umiling naman siya. " Nope! I'm telling the truth. Hindi ka na katulad noon na halatang malungkot. Ang aliwalas na ng mukha mo ate. At halatang-halata sayo na masaya ka na ngayon. "
Ngumiti muli ako sakanya. Naalala ko iyong mga panahong malungkot ako at nasasaktan ng sobra. Ilang buwan na nga ba ang lumipas? Halos hindi ko na nararamdaman iyon ngayon dahil sa totoo lang sobrang saya na ng nararamdaman ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin muli sa salamin. Hindi pa ako naka-gown. Hinaplos ko ang tiyan ko na halos kitang-kita na ang pagka-umbok nito. Lalo akong napangiti. Dahil isa sa nagpapasaya sakin ngayon ay ang baby na dinadala ko ngayon.
" Alam mo ate, sigurado ako, magiging isa kang mabuting ina. " sabi ni Louise habang pinapanood akong pagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Lumapit ako sakanya na nakaupo sa kama ko at naupo rin ako sa tabi niya. " Talaga ba? Paano mo naman nasabi? "
" Kasi naging isa kang mabuting ate sakin. Ikaw yung second mommy ko dahil grabe mo ko alagaan. Kaya naman sigurado ako, kapag lumabas na iyang pamangkin ko, mas sobra pa sa pag-aalaga mo sakin ang gagawin mo sakanya. "
Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa sinabi ni Louise. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil masyado iyon napataba ang puso ko.
" Ate, kahit aalis ka na sa bahay, sana wag mo kong kalimutan ha? Sana hindi ka magbago sakin. " naiiyak naring sabi niya.
Agad ko siyang niyakap. " Ano ka ba! Ikakasal lang ako. Hindi naman ako mawawala sainyo e. At hindi naman ako aalis. Lilipat lang ako ng bahay pero dadalaw-dalawin ko rin kayo. Kasama ang magiging pamangkin mo. "
Nag-iyakan kaming dalawa. Ramdam ko ng lungkot at saya na nararamdaman ni Louise ngayon. Alam kong masaya siya para sakin dahil ikakasal na ako. Pero alam ko ring nalulungkot siya dahil pakiramdam niya mag-isa nalang siya once na ikinasal na ako. Simula ng bata siya, ako na palaging kasama niya. Ako ang nag-alaga sakanya. Kaya naman alam kong mahirap para sakanya isipin na lalayo na ako sakanila.
" Ay nako! Bakit kayo nag-iiyakan! Masisira ang mga ayos niyo niyan. " biglang sabi ni mommy ng pumasok sa kwarto.
Naghiwalay kami ni Louise sa pagkakayakap at dahan-dahang pinunasan ang aming mga luha.
" Eto kasing si Louise e. Ang drama-drama! " nahihikbi pang sabi ko.
" Ikaw kaya diyan! Ikaw unang umiyak e. " sagot naman niya.
" Kayo talagang dalawa! Hali nga kayo dito. Payakap ako. " sabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...