Alexa's POV
Naglalakad ako sa hallway ng hotel na may malawak na ngiti. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. At ngayon ay papunta ako sa office ni Isabel para ibalita kung ano ang nasagap kong balita kanina lang.
" Come in! " sigaw ni Isabel sa loob ng office niya ng kumatok ako.
" Hi dear! " masiglang bati ko sakanya.
Agad naman siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi.
" What brought you here, Alexa? Dinalawa mo ba si Lander? "
Naupo ako sa sofa niya. " Yeah! Pupunta na sana ako sa office ni Lander kanina. But unfortunately nandon ang asawa niya. "
She raise her eyebrow. " That Shelby bitch? Aba! Napapadalas yata ang pagpunta niya dito ha. "
I smirk at her. " Parang mas napaganda pa nga ang pagpunta niya. Dahil may nasagap akong malaking balita. "
Bigla naman nagkaroon ng interes si Isabel sa sinasabi ko at naupo sa tabi ko.
" What's the big news? " atat na tanong niya.
" Well, I hear them talking earlier. And I found out that their married is fake. Hindi sila officially kasal. So it means, hindi sila officially mag-asawa. " kwento ko sakanya.
Mukha naman nagulat si Isabel sa binalita ko sakanya. Actually, maski ako, gulat na gulat din sa narinig ko mula kay Lander. Hindi ko akalain na peke lang pala ang kasal nila at nagsasama lang pala sila dahil sa isang kontrata.
Flashback
Pumunta ako sa hotel para dalhan si Lander ng pagkain. Gusto ko kasing gawin ulit sakanya ang mga ginagawa ko sakanya nong college days namin. Na dinadalhan ko siya ng lunch niya sa building nila tapos sabay kaming kakain.
Sinabi ko na sa sarili ko na babawiin ko si Lander sa Shelby na yon. Desidido na ako na kunin si Lander sakanya. Lalo pa na alam ko na dahil sakanya rin kung bakit iniwan si Isabel ng boyfriend niya dati. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na kalabanin siya. Parang ganti ko narin sa ginawa niya sa kaibigan ko.
Pagdating ko sa office ni Lander ay wala ang secretary niya. Kaya naman dumiretso na ako. Pag-bukas ko ng bahagya ay agad kong nakita si Shelby na nakaupo sa sofa. Hawak-hawak ni Lander ang kamay niya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hindi na muna ako gumawa ng kahit anong ingay para pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nila.
" Nakalimutan mo na ba? Diba fake lang yung una? Hindi yon naka-rehistro. Pekeng papel lang ang pinirmahan natin. Kaya officially, hindi pa talaga tayo kasal. " sabi ni Lander kay Shelby.
Nagulat ako sa sinabi ni Lander. Fake? So it means, hindi sila talaga kasal? Hindi sila legal?
Pinakinggan ko pa ng kaunti ang mga pinag-uusapan nila.
" Why are you crying Shelby? May problema ba? " tanong ni Lander kay Shelby.
" W-wala naman, Lander. Naisip ko lang, paano pala yung kontrata natin? Yung pinirmahan nating kontrata na pagkatapos kong manganak ay maghihiwalay na tayo? Yung kukunin mo ang anak natin at iiwan ko na kayo? Paano na yon? " sabi ni Shelby.
" Excuse me ma'am. "
Nagulat ako sa biglang nagsalita kaya bigla akong napabalikwas. Nang isara ko ang pinto at humarap sa kung sino ang nagsalita ay napakunot noo ako.
" Who are you? " tanong ko sakanya. Hindi naman kasi ito ang secretary ni Lander eh.
" Im Phoemela Arnaiz, ma'am. Im Mr. Brooke's new secretary. May kailangan po ba kayo sakanya? " pormal niyang tanong.
Hindi na ako sumagot at dali-daling umalis don sa office ni Lander.
End of flashback
Kaya naman sa mga nalaman ko na yon ay agad akong pumunta dito kay Isabel. Nagdidiwang ang puso ko ngayon sa mga balitang nalaman ko. Kung hindi totoo ang kasal nila ni Shelby, pwedeng-pwede pa maging kami. Pwede ko pa siyang mahalin at pwede niya narin akong mahalin.
" So, ibig sabihin walang sila? I mean, wala talaga silang relasyon? " tanong ni Isabel.
" Exactly! And guess what? May kontrata pala silang once na manganak si Shelby, iiwan na ni Shelby si Lander at kukunin ni Lander ang anak nila. So, hindi na ako mahihirapan na paghiwalayin silang dalawa. "
" My god, Alexa! Hindi ko akalain na ganito mo lang kadaling magagawang paghiwalayin sila. Bilib na ko sayo. "
" I know right! And once na manganak si Shelby, ako mismo ang magpapa-alis sakanya sa buhay ni Lander. Ako mismo ang magtataboy sakanya at ibabalik siya kung saan siya nararapat. You're right, dear. She doesn't deserve any good guy. Kaya kailangan niyang mawala sa buhay ni Lander. "
Pagkasabi ko non ay nagtawanan kaming dalawa ni Isabel. Ngayong alam ko na kung ano talaga silang dalawa, mas madali ko ng makukuha si Lander. And this time, I'll make sure na mamahalin niya ako at magiging masaya na kaming dalawa.
---------------------------------------------------
Shelby's POV
Paglabas namin ni Lander sa office niya ay bumungad samin ang nakangiting si Phoemela.
" Feel na feel mo na talaga ang secretary ha? " pang-aasar ko sakanya.
" Oo naman sis! Excited na kasi ako mabuntis katulad niyo. " tuwang-tuwang sabi niya.
" Mag-asawa ka kaya muna. " singit naman ni Lander.
Nag-pout naman si Phoemela. " Grabe ka naman sir! Malapit na kaya. "
Tumawa naman kami ni Lander sakanya.
" Nga pala Sir, Ma'am, may babae po dito kanina. Pero hindi ko po kasi kilala. Nong tinanong ko po, hindi naman ako sinagot at umalis na lang. " sabi ni Phoemela.
Nagkatinginan naman kami ni Lander.
" Hindi niya sinabi kung ano ang kailangan niya? " tanong ni Lander.
Umiling naman si Phoemela. " Nasa pintuan na po siya ng office niyo ng maabutan ko siya. Nag-break po kasi ako kanina eh. Nung tinanong ko po siya, bigla naman siyang umalis. "
" May ine-expect ka ba ngayong bisita? " tanong ko kay Lander.
Umiling siya bilang sagot. " Wala naman. And its my break too. Kaya alam kong ikaw lang ang pupunta dito. "
" Actually sir, she looks familiar to me. Parang nakita ko narin siyang pumunta dito non. Matangkad at sexy na babae. Blonde at mukhang model ang dating. " sabi pa ni Phoemela.
Pagkasabi ni Phoemela non ay isang tao lang ang agad pumasok sa isip ko.
" Baka si Alexa? " sabi ko.
Nagkibit balikat lang siya. " Siguro. Pero bakit hindi siya pumasok at bigla na lang umalis? "
" Baka po sir alam niyang nandyan si Ma'am Shelby. " singit naman ni Phoemela.
Hindi na sumagot si Lander. Pero bakit parang iba yung pakiramdam ko? Parang hindi maganda? Bakit kaya siya nandito? Saka ano bang kailangan niya kay Lander at kailangan niyang sadyain dito? Nakakainis na siya!
" May iniisip ka na naman, wife. " biglang sabi ni Lander.
Ngumiti lang ako sakanya at umiling. " Uuwi na ako. "
Pagkasabi ko non ay nagpaalam na kami kay Phoemela at hinatid ako ni Lander sa labas.
Hanggang sa makauwi na ako ng bahay ay hindi maalis sa isip ko si Alexa. Bakit kaya siya nagpunta sa hotel? Araw-araw ba siyang nagpupunta don para lang makita si Lander? Nakakaramdam na kasi ako ng pagka-irita sakanya. Mukhang hindi maganda nararamdaman ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
Roman d'amourAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...