Lander's POV
Inaayos ko na ang maleta ko para sa paglapag ng yateng ito sa Pilipinas. Natapos na din ang one day cruise na ito na hindi ko man lang na-enjoy. Pakiramdam ko ay hindi lang tatlong araw ang nilagi ko dito. Pakiramdam ko isang buong taon akong nakakulong sa yateng ito.
After ng malaman ko ang ginawa saking panggagamit ni Judy ay hindi ako lumabas ng kwarto. Kahit pa na may mga destinations din kami na papasyalan ay hindi narin ako nag-abalang lumabas. Tatawag lang ako para magpahatid ng pagkain kapag gutom ako. Ganun lang ang ginawa ko sa buong cruise na ito.
Nasa iisang yate lang kami ni Judy kaya ayoko naman na magkikita pa kami at ang masakit ay may kasama na siyang ibang lalaki.
Pero pinagkibit balikat ko nalang yun dahil iniisip ko nalang ang sinabi sakin ni mommy ng maka-usap ko siya via skype para sabihin ang nangyari sakanya.
" Dont waste your time thinking of her Lander. Malay mo ginawa talaga ni god ang pangyayaring yan para malaman mo ang kalokohang ginagawa niya. Ikaw naman kasi, sinabi ko naman sayo na hiwalayan mo na ang babaeng yan. Hindi ka parin nakinig. But forget it! Atleast now we knew that girl is a gold digger! And it's good to hear na hindi ka pa nakapag-propose sakanya. Dahil kung nakapag-propose ka na sakanya, baka gawin pa niya yung advantage para lalo kang maperahan. So cheer up son! You will find someone better than her. " mahabang sabi sakin ni mommy.
Gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. Kahit na may time na it really hurts me a lot. Judy is just using me for money! Ang sakit lang kasi isipin na minahal ko talaga siya ng totoo pero hindi pala ganun ang pagtingin niya sakin. Na kahit kailan hindi naman pala niya ako minahal.
I'm done packing all my things at lumabas na ng room. Pagsara ko ng pinto ay naalala ko ang babaeng nakasiping ko the last night dahil sa nakita kong number ng room ko.
It still 106.
Hinawakan ko ang mga number na nakadikit sa pinto at napansin kong maluwag ang number six. Iniangat ko ito at narealize ko na kung bakit siya dito pumasok sa kwarto ko instead sa room niya.
Maluwag ang number 9 kaya malamang ay natabig ito ng kung sino kaya bumaliktad siya at naging six.
Natawa naman ako ng maalala ko ang mukha ng babaeng yun ng malaman niyang nagkamali siya ng kwartong pinasukan. And to think that we had sex without even know each other. Alam kong nahihiya siya sa pangyayaring iyon.
Bakit ba hindi ko naramdamang virgin pa siya that time?! Siguro dahil narin sa pagkalasing ko at sa lust na naibigay niya sakin nung halikan niya ko ng gabing iyon. Hindi ko na napansin dahil ang buong akala ko ay si Judy ang hinahalikan ko.
Bago ko pumunta ng elevator ay sinulyapan ko muna ang kwarto ng babae na nasa tapat lang ng room ko. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam ang sasabihin sakanya. Hindi ko alam kung gusto niya pa ba ko makita after what happened to us.
Ako naman kasi ang nagdecide na kalimutan namin ang nangyari at isiping one night stand lang ang isang gabing pagtatalik na yun. Kaya siguro mas maganda ng hindi ko na siya kausapin pa. Tutal, paglapag naman nitong yate sa Pinas ay hindi ko na talaga siya makikita.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...