CHAPTER 63

6K 109 0
                                    

Shelby's POV


Magdamag akong hindi nakatulog. Hinihintay ko kasi ang pagdating ni mommy sa bahay namin. Hanggang ngayon ay nakabukas parin ang laptop na pinahiram sakin ni Chona.


" Anak, nandito na siya. "   biglang nagsalita si daddy.

Napatingin naman ako sa screen dahil mukhang inikot ni Louise ang laptop niya. Hindi ko na siya nakikita at tanging loob lang ng bahay ang nakikita ko. Naglalakad si Louise hanggang sa makarating siya sa pintuan. At paghinto niya don ay bigla akong napahagulhol ng makita ko na ang isang kabaong na dahan-dahan nilang pinapasok sa bahay namin.


" Mommy... "   iyak ako ng iyak.


Naririnig ko naring umiiyak sila daddy at Louise. Ang bigat ng sa pakiramdam. Ang sakit na hindi ko man lang mahawakan kahit ang kabaong man lang ni mommy. Na kahit gustuhin ko man siyang mayakap kahit sa huling sandali, hindi ko magawa dahil sa kalagayan ko.


Marahang pinuwesto ng mga lalaki ang kabaong ni mommy. Nagpwesto narin sila ng mga ilaw at mga bulaklak. Lahat ng mga kailangang ilgay ay unti-unti na nilang nilalagay. Nang matapos ay nagpaalam na sila kila Daddy at Louise. Hinarap ni Louise ang laptop sakanya kaya kitang-kita ko na ang pamumugto ng mga mata niya.


" Naayos na lahat, ate. "   sabi niya sakin.


" Gusto mo ba siya makita, Shelby? "   tanong naman ni daddy.



Tumango ako bilang sagot. Pagkatapos ay muling hinarap ni Louise ang kanyang laptop sa bahay. Habang palapit sila sa kung saan naka-pwesto si mommy, ay walang tigil din ang pagpatak ng mga luha ko.


Hanggang sa naiharap na nila kay mommy ang laptop. Kitang-kita ko na ang mahimbing na pagtulog niya. At don ay lalo ng lumakas ang pag-iyak ko.


" Mommy... "   sigaw ko habang naiyak.


Ang sakit! Parang gusto kong lumabas sa screen ng laptop para mayakap at mahawakan siya. Gustong-gusto kong lumapit sakanya.


" Mommy... im sorry... im sorry kung hindi man lang kita naalagaan. Na kahit may sakit ka, mas inisip mo parin ang magiging kalagayan ko. "


" Im really sorry, mommy... patawarin mo ko kung hindi kita nabantayan. Na hindi kita pinuntahan nung mga panahong nahihirapan ka. Mommy... gusto kitang makita... gusto kitang mayakap... mahal na mahal kita mommy... "


Iyak lang ako ng iyak. Wala akong magawa kundi iiyak na lang ang sakit na nararamdaman ko.


" Anak, tama na. Isipin mo ang anak mo. Kung nasaan man ang mommy mo ngayon, sigurado akong naiintindihan niya ang hindi mo pagpunta dito. "   sabi ni daddy.


Hinarap ni Louise ang laptop sakanila ni daddy.


" Tama si daddy, ate. Alam kong alam ni mommy kung bakit hindi ka makakapunta dito. Alagaan mo na lang ang sarili mo diyan para sa pamangkin ko. Kami na ang bahala kay mommy dito. "   sabi naman ni Louise.


Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. " Thank you, Daddy, Louise. Maraming salamat sa pagiintindi. Kayo rin, alagaan niyo rin ang sarili niyo diyan. "


" Wag ka ng mag-alala samin dito, anak. Magpahinga ka na muna diyan dahil hindi ka pa natutulog. Mag-usap na lang ulit tayo bukas. "   sabi ulit ni daddy.


Tumango ako bilang sagot. " Ilapit niyo muna ulit kay mommy. Gusto ko siyang halikan. "


Sinunod naman nila ang sinabi ko at hinarap nila ang laptop sa kabaong ni mommy. Hinarap nila ito sa mismong mukha ni mommy.


Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon