CHAPTER 20

8K 147 4
                                    

Shelby's POV










Andito parin ako sa hospital. Sabi ng doctor bukas pa daw ako pwedeng makalabas. Tinext ko narin sila mommy na nandito ako kaya ngayon ay hinihintay ko silang dumating.











Fake marriage.









Naalala ko yung sinabi ni Lander kagabi. Papayag ba ako sa ganung set-up?! Magsasama lang kami dahil sa kontrata...at sa bata? Parang hindi ko ma-imagine ang plano niyang iyon. Hindi parin ako sang-ayon. Pakiramdam ko, mas lalo lang magiging komplikado ang lahat kapag ginawa namin iyon.











Nabaling ang tingin ko sa tiyan ko. Hinaplos-haplos ko ito. Hindi ko mapigilang sisihin ang batang nasa loob nito. Kasi kung hindi dahil sakanya, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sakanya, may chance pa na makasama ko si Caiden. May chance pa na maging kami ulit. Pero ngayon mukhang malabo na talagang mangyari ang mga gusto ko. At dahil iyon kay Sir Lander at sa batang ito.












Umiiyak na naman ako. Ganito nalang ako palagi, kapag naaalala ko si Caiden, palagi nalang akong umiiyak. Kahit kasi dalawang buwan na ang nakakalipas, masakit parin para sakin ang mga nangyari. Ang kinahinatnan ng pagsasama namin ni Caiden.












" Shelby anak, Kamusta ka na? Ano bang nangyari? "     sunod-sunod na tanong ni mommy ng makapasok siya dito sa ward kung nasaan ako.











" Ate okay ka lang ba? Bakit nandito ka sa hospital? "     nag-aalalang tanong din ni Louise.











Hindi agad ako nakasagot. At lalo lang akong napa-iyak.











" Anak, ano bang nangyari? Sabihin mo naman. Nag-aalala na ako sayo. May sakit ka ba? Ano sabi ng doctor sayo? "      sunod-sunod muling tanong ni mommy habang himas-himas ang likod ko.











Paano ko ba sasabihin?! Paano ko ba sasabihin na buntis ako?! Paano ko sisimulan?! Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanila ang dinadala ko.












Humahagulgol parin ako sa iyak. Hindi ko mapigilan. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.










" A-ate ano bang nangyayari sayo? Sabihin mo naman samin ni mommy. "     natatarantang tanong ni Louise.












Pinunasan ko ang luha ko sa magkabilang pisngi at tinignan ko silang dalawa.         " M-mom, Louise, m-may kailangan kayong malaman. "











Nagkatinginan naman sila Mommy at Louise tapos bumalik din ang tingin sakin.











" M-mommy b-buntis po ako. "     utal na sabi ko.










Pagkasabi ko non ay agad akong yumuko. Hindi ako makatingin sakanila lalo na kay mommy. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya, magagalit o kamumuhian ako. Baka itakwil niya ako bigla. Hindi ko talaga alam.











" B-buntis ka? "     parang naninigurado ang tono ni mommy kung tama ba ang narinig niya mula sakin. Halatang-halata sa mukha niya ang pagkagulat.











Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon