Shelby's POV
" Ayoko po niyan. " sagot ko kay Miss Jing. Ang wedding planner namin.
" Or maybe this one. It's nice and hindi masyadong mahahalata yung tummy mo. " alok niya muli sa isang wedding dress.
Hindi agad ako nakasagot. Nandito siya sa bahay at may dalang brochure ng mga wedding gowns na pagpipilian ko para sa kasal.
" Ano ba Shelby! Kanina pa tayo namimili. Hanggang ngayon ba naman wala ka pang naiisip? " medyo inis na sabi sakin ni Lander.
Tinignan ko siya ng masama. " E di ikaw ang mamili! Tutal ikaw naman may gusto ng kasal! " sigaw ko sakanya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at umalis ng sala. Nakakainis naman kasi! Hindi naman kasi totoo yung kasal bakit kailangan pa naming mamili ng wedding gown? Bakit kailangan pa namin maging abala? Nakaka-urat lang!
Lumabas ako at naupo ako sa terrace. Habang nagmumuni-muni, hinahaplos-haplos ko ang tiyan kong unti-unti ng lumalaki. Malapit na siyang mag-8weeks. May konting excitement na kong nararamdaman para sa paglabas ni baby.
" Hayaan mo baby, kapag nakawala na tayo sa pesteng kontratang 'to, magiging masaya na tayo. "
Sabi ko sa tiyan kong palaki na ng palaki. Alam kong after kong manganak ay kailangan ko siyang ibigay kay Lander. Dahil yun ang kasunduan. 'Yon ang nasa kontrata. Pero hindi ko yata magagawa iyon. Anak ko 'to! At hindi ako papayag na kukunin siya sakin. Bahala na! Pero hindi ko na siya ibibigay kay Lander.
" Ano na naman bang problema mo, Shelby? Bakit tinotoyo ka na naman? " biglang sulpot ni Lander.
Tinignan ko ulit siya ng masama. " Pake mo ba? E sa hindi ko nga gusto 'yong mga gown. "
" E ano bang gusto mo? Naka-bikini ka sa araw ng kasal natin? Buti sana kung ang sexy mo. " sabi niya sabay upo sa tabi ko.
Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang siya ng masama. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to makapagsabi na hindi ako sexy. Kung hindi lang naman ako buntis, hay nako!
" But seriously, ano na naman bang problema? Bakit ka na naman ganyan? Is it about Caiden parin ba? " malumanay na tanong niya.
Hindi na naman ako nakapagsalita at para akong nawalan ng lakas at naibagsak ko nalang ang mga balikat ko.
Sa totoo lang, siya talaga ang nasa isip ko ngayon. Yung kahapon na bumisita si Lander dito para sabihin sakin na hindi pumayag si Caiden sa kontrata namin talagang umiyak ako. Parang hindi ko kasi matanggap na hindi na talaga kami pwede. Na pinaubaya na niya talaga ako kay Lander. Ang sakit sakit kasi!
" Look, as I've said yesterday, desisyon niya iyon at hindi ko siya pinilit o tinakot para hindi tanggapin iyong kontrata. I was shocked also nung sabihin niya sa akin na ile-let go ka na niya. Please Shelby, believe me, hindi ko rin gusto ang nangyari. Ang gusto ko maging masaya ka. "
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...