Shelby's POV
Nasa isang coffee shop kami ngayon nila Lander at Phoemela dahil tinext kami ni Chona. Ngayon na kasi ang araw ng pagbalik ni Caiden dito sa Pilipinas. At ang huling text niya samin ay magkasama na sila ngayon na papunta na kung saan kami ngayon.
" Nakakainis talaga! Buti pa kayo, may mga partner. Samantalang ako, nga-nga. " pagmamaktol ni Phoemela.
" Bakit kasi hindi mo tinext si Darwin. Eh di sana may partner ka rin ngayon. " tanong sakanya ni Lander.
" Tinext ko naman siya eh. Pero sabi niya kasi hindi daw siya pwede ngayon. " sagot naman ni Phoemela.
" Hayaan mo na. Busy na tao ang manliligaw mo kaya ganon. " sabi ko naman.
" Nako! Yun nga yung problema don eh. Nanliligaw pa lang siya pero wala na agad siyang time sakin. " inis na sabi ni Phoemela.
Natawa na lang kami ni Lander. Nakakaloka talaga 'tong si Phoemela. Kulang na lang siya na yung magsabi kay Darwin na ligawan siya at suyuin.
Habang nagkukwentuhan kaming tatlo ay napansin namin ang pagkaway ni Chona sa labas at kasama na niya si Caiden. Hindi parin siya nagbabago. Gwapo parin siya at makisig. Napaka-swerte ni Chona na liligawan siya ni Caiden.
" Feeling jealous? " biglang tanong ni Lander.
Napatingin naman ako sakanya. " You know I don't have feelings for him anymore. "
Ngumiti naman siya ng bahagya. " Grabe ka kasi makatingin eh. Parang matutunaw si Caiden. "
" I think you're the one is jealous. Tumingin lang sakanya ganon agad? " pagbibiro ko sakanya.
He smirk at me. " Bumabawi ka sakin ha? "
I hold his hand. " Sinabi ko na diba? Ikaw na ang mahal ko ngayon. "
Mukha naman siyang naging relax at ngumiti na lang sakin.
" Hi Shelby, Lander, Phoemela. " sabi ni Chona habang niyakap kami isa-isa.
" Hi! Shelby... " agad bati sakin ni Caiden.
Nagkatitigan kami ng matagal. At sa sandaling iyon, don ko napatunayan na wala na talaga akong nararamdaman sakanya. Na hindi ko na talaga siya mahal. Kasi diba, kapag mahal mo ang isang tao, tingin pa lang niya may spark na? Yon bang kikiligin ka na agad? Katulad yung nararamdaman ko sakanya noon nung mga panahong mahal ko pa siya. Pero ngayon, wala na akong maramdamang ganon. Wala na akong maramdamang spark at kilig.
Nginitian ko siya. " Hi Caiden! Long time no see. "
Ngumiti lang din siya sakin at binaling ang tingin kay Lander. " Kamusta? "
Tinignan siya ni Lander ng seryoso. " Okay naman. Masaya na kami ni Shelby. "
" I see. Ahm... Shelby, Lander, I just want to say sorry. Sorry sa mga ginawa ko sainyong panggugulo noon. But im okay now. I move on. And as you can see, im now courting Chona. " sabi niya samin.
" Wala na yon, Caiden. Masaya ako na masaya kayo ni Chona. " sabi ko naman.
" Thank you, Shelby. Nga pala, ang laki na ng tiyan mo. Kailan ka ba manganganak? " tanong niya.
" Two months na lang, malapit na ako manganak. "
" Baka pwede naman na kumain muna tayo? Nakakagutom na kaya no! " singit naman agad ni Phoemela.
Tumawa lang kami sakanya at kumuha na ng menu para maka-order.
Habang hinihintay namin ang order ay nagkwentuhan muna kaming lima.
" So, Caiden, are you going back to the hotel? " tanong ni Lander kay Caiden.
Umiling naman si Caiden bilang sagot. " Ayoko namang umalis ka don. Isa pa, nandon si Isabel. Ayokong guluhin niya kami ni Chona. And by the way, Chona is coming with me. Lilipat kami sa ibang branch. "
" What Sir? Isasama niyo si Chona? Paano naman po ako? " agad na reaksyon ni Phoemela.
" Lilipat lang naman ako ng ibang hotel, Phoemela. Hindi naman ibig sabihin non ay hindi na tayo magkaibigan. " paliwanag ni Chona.
" Kahit na! Ang daya-daya naman talaga! Iniiwan niyo na kong lahat. "
" Ang oa mo Phoemela! Bakit hindi mo na lang sagutin si Darwin ng hindi ka nagmamaktol dyan. " sabi ko naman.
Hindi naman siya sumagot. At sumimangot na lang.
" Okay, kung gusto mo, I will promote you as my newly secretary. Okay na ba yon sayo? Para hindi ka lang umalis sa hotel. " sabi naman ni Lander.
Lumawak naman ang ngiti ni Phoemela. " Totoo ba yan Sir Lander? Paano po yung secretary niyo? Baka naman joke time lang 'to. "
" Do you think im joking? Kung ayaw mo, okay lang. "
" Pero paano po yung secretary niyo? Ayoko naman pong magkaroon ng kaaway dahil lang sa posisyon. "
Hinampas naman ni Chona ng mahina si Phoemela. " Gaga! Hindi mo ba alam? Nag-resign na yung secretary ni Sir Lander. Buntis kaya yon kaya nag-resign na. "
" Talaga? Bakit hindi ko nabalitaan? " takang tanong ni Phoemela.
" Hindi naman kita ipo-promote kung alam kong may tao na diba? Imbes na maghanap ng applicant, I will promote you instead. " paliwanag ni Lander.
Halos magtatatalon naman si Phoemela sa tuwa sa binalita ni Lander.
" Thank you po, Sir. Nako! Baka ako naman ang sunod na mabuntis. Kasi diba? Si Shelby assistant noon tapos nabuntis. Tapos yung ngayon naman nabuntis din. Hala! Baka ako naman ang sunod! "
Lahat naman kami natawa sa sinabi ni Phoemela. Hanggang sa dumating ang pagkain. Habang kumakain pa nga kami ay wala paring tigil si Phoemela sa pag-iisip na kung kailan siya mabubuntis at kung anong magiging gender ng anak niya. Nakakatawa lang talaga.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam narin kami sa isa't-isa. Sila Chona at Caiden kasi ay may aasikasuhin pa sa paglipat nila sa kabilang hotel. Sabi nila, sa Palawan branch daw sila pupunta. Gusto daw kasi nilang masolo ang isa't-isa. Haha! Ang cheesy lang! Si Phoemela naman ay tinext daw ni Darwin. Pupunta daw sa bahay nila kaya ayun, nagmadali umuwi.
" Nice to see you again, Shelby. Sana maging okay kayo ng baby mo. " sabi ni Caiden.
Ngumiti naman ako sakanya. " Thank you, Caiden. Kayo din. Mag-ingat kayo ni Chona sa Palawan ha? "
" Oo naman, Shelby! " sabi naman ni Chona.
" Lander, alagaan mo si Shelby ha? Wag mo sanang gawin ang ginawa ko sakanya. Wag mo siyang saktan. " paalala ni Caiden kay Lander.
" Oo naman! Mahal na mahal ko si Shelby. Kaya hindi ko siya sasaktan. " nakangiting sabi ni Lander.
" Pano, mauna na kami ha? "
" Sige, mag-ingat kayo. " sabi ko at nagpaalam na sila samin.
Pagka-alis nila ay sumakay narin kami agad ni Lander sa kotse at bumiyahe na pauwi.
Nakaka-relax lang ang araw na 'to. Yun bang walang stress na pangyayari saming lahat. Infact, sobrang saya ko kasi okay na kami ni Caiden. Okay na din sila ni Lander. Yung wala ng bitter feelings sa isa't-isa. Saka masaya din ako na magiging sila na ni Chona. Though hindi pa sinasagot ni Chona si Caiden. Pero alam ko namang dun din ang punta nilang dalawa.
Si Phoemela din, masaya ako para sakanya kasi finally, na-promote na siya. Isa pa, malapit narin siyang magkaroon ng lovelife at hindi na siya maiinggit saming dalawa ni Chona.
Pakiramdam ko, napaka-perfect lang ng araw na ito. Ang dami kasing nangyaring masaya hindi lang sakin. Maging kay Lander at sa mga kaibigan ko rin.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...