Caiden's POV
Pag-alis ko sa bahay nila Shelby, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng pagmamaneho ko. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang bigat sa pakiramdam na ang isang taong minahal mo ng buo, sa isang iglap lang, mawawala na lang siyang bigla. Na mapupunta na siya sa iba.
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na si Shelby. Na magkakaroon na siya ng pamilya. Hindi ko parin lubos maisip kung paano siyang nabuntis. Nababaliw na ako! Hindi ko lang talaga siguro matanggap na meron ng ibang magmamay-ari sa babaeng inalagaan at minahal ko sa loob ng apat na taon.
" S-sir Caiden? Ano pong ginagawa niyo dito? Gabi na ah! " bungad sakin ni Chona ng mag-doorbell ako sa bahay niya.
" Can I stay here? I need someone to talk. " malungkot na sabi ko.
Kahit pa na kita sa mukha niya ang pagtataka ay tumango naman siya at agad akong pinapasok sa bahay niya. Naupo kami sa salas niya at nagpaalam siya saglit na gagawa lang ng kape na maiinom namin. Maya-maya pa ay dumating narin siya dala-dala ang kapeng ginawa niya para samin.
" Magkape ka po muna sir. Mukha kasing nasobrahan kayo sa alak? " alok niya sakin ng tinimpla niyang kape.
Pilit ang ngiti kong kinuha ito at nagpasalamat sakanya.
" I'm sorry kung pumunta ako sayo ng ganitong oras. Did I disturb you? Wala kasi akong ibang maisip na puntahan kundi ikaw. I feel so wasted now, Chona. " sabi ko sakanya.
Umiling-iling naman siya sakin. " Nako sir hindi po kayo nakaka-abala. Wala rin naman po akong ginagawa. Pero... matanong ko lang po, Sir Caiden. Ano po bang problema niyo? Bakit kayo amoy alak at bakit po parang andami niyong galos? " tanong niya sakin.
I sighed deeply. Naalala ko kasi yung nangyari kanina. Yung gulong nangyari sa bahay nila Shelby.
" Is this all about Shelby's wedding? Yung sinasabi niyo sakin? Sir, wala po talaga akong alam don. Hindi ko alam na ikakasal na si Shelby. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok gawa ng may sakit daw siya. Wag po kayong mag-alala, kapag pumasok na siya, tatanungin ko agad siya. " paliwanag ni Chona.
Napatingin ako sakanya. Maya-maya pa ay bigla ng pumatak ang mga luha kong kanina pa nagsisiksikan sa gilid ng mga mata ko. Ewan ko ba! Kapag kaharap ko si Chona, hindi ako naiilang na ipakita sakanya kung anong nararamdaman ko. Katulad ngayon, nasasaktan ako ng sobra. Siya lang ang unang naiisip ko na gusto kong makasama. Na gusto kong makausap at paglabasan ng lahat ng sama at bigat ng loob ko na gusto ng sumabog.
" Sir... B-bakit po kayo naiyak? A-ano po bang nangyayari? " pag-aalalang tanong niya sakin.
" You don't need to ask her, Chona. Alam ko na. Alam ko na ang lahat-lahat. At simula ngayon, papalayain ko na siya. Hindi ko na siya guguluhin pa. " sabi ko sakanya.
" P-pero sir--- "
" Ayoko na ng gulo, Chona. Talo na ako! Kahit lumaban pa ako, wala narin akong magagawa. Kasi kahit ipaglaban ko siya, wala ring kwenta dahil sumuko na siya. Tatanggapin ko na lang. Tatanggapin ko nalang na hindi na talaga kami para sa isa't-isa. Papalayain ko na siya at hahayaang maging masaya. Masaya sa piling ng iba... "
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...