Shelby's POV
Room 106 ang room namin?! Teka?! Iisang kwarto lang kami ni Caiden?! Pero bakit?
" Uhm... B-babe bakit iisang room lang tayo? " nahihiyang tanong ko kay Caiden.
Nagmamaneho na siya papunta sa yacht na pupuntahan namin. Matagal ko ng hawak itong ticket namin pero ngayon ko lang talaga napansing nasa iisang kwarto lang pala kami.
Hinawakan ni Caiden ang kamay ko habang nagmamaneho. " Dont worry babe, hindi naman tayo magkatabi. Pinahandaan ko yan ng isang maliit na bed for me. " paliwanag niya sakin.
Napabuntong hininga nalang ako as a sign of relieve at napangiti. Alam ko naman na walang gagawin si Caiden na ikakagalit ko. Sa loob ng 4years na magkasama kami ay subok ko na ang pagtitiis ni Caiden. Syempre nararamdaman ko rin naman na kailangan niya yun, pero iniintindi niya ko na hindi pa ko handa sa ganung bagay. Alam niyang hindi ko pa kayang ibigay iyon sakanya.
" Sila Tita Selina umalis narin ba? " biglang tanong niya sakin.
" Yup! Ang aga ngang umalis e. Nagmamadali pa. " pormal na sabi ko.
Nangingiti siya ng konti sa sinabi ko na ipinagtaka ko naman.
" Bakit ka nakangingiti diyan? Para kang baliw babe. " taas kilay kong sabi sakanya.
This time talagang tumawa na siya dahil siguro sa iniasta ko. " Haha! Nothing babe, I just wondering kung bakit tinatago nila sayo ang pag-alis nila. "
Inirapan ko siya. " Tuwang-tuwa ka naman na nakikita mo kong naaasar? Isa pa, naiitindihan ko naman na sila e. Saka okay na kami hindi na ko nagtatampo sakanila. Wala din naman akong magagawa. Alam ko naman na kung wala akong lakad, e yayayain din nila akong sumama sakanila. "
Tumango-tango na lang siya at hindi na sumagot. Busy na siya sa pagda-drive. Totoo naman kasi. Nauna pa sakin umalis sila mommy. Madaling-madali pa nga sila at halatang excited sa pupuntahan nila. Sabi pa ni mommy na baka daw kasi ma-late sila sa party kaya aalis na sila ng maaga. Nakakatawang dahilan. E diba gabi nagpapa-debut party?! Haayy!! Hindi ko na lang pinansin ang mga dahilan nila. Na-excite narin kasi ako sa magiging cruise namin ni Caiden papuntang Italy.
Sa sobrang dami ng iniisip ko na pwede naming gawin don at kung ano ang bibilhin kong souvenir kila Chona at Phomela. Hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa yate.
" Wow! " manghang sabi ko habang bumababa ng kotse.
Bumaba narin si Caiden at kinuha ang mga maleta namin sa likod ng sasakyan. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. Tumingin ako sakanya at ngumiti pero bumalik ulit ang paningin ko sa yate na sobrang laki. Hindi ko ine-expect na makakakita ako nito sa totoong buhay. Ang akala ko ay sa mga movies ko lang ito makikita. Hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon at masasakyan pa.
" Mas mapapa-wow ka pa babe kung papasok na tayo sa loob. " nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...