Shelby's POV
Pag gising ko ay wala na si Lander sa tabi ko. Tinignan ko agad ang orasan para makita kung anong oras na. 6.00 pa lang ng umaga. Eh 8.30 pa ang pasok niya. Bakit parang ang aga niya naman yatang pumasok? Pagbaling ko sa kabilang side ay may nakita akong isang tray. May laman itong fried rice, bacon, egg, and hotdog. Tapos meron ding apple at isang basong gatas na kasama. Bigla akong napangiti. Nakakatuwa talaga ang mga ginagawa sakin ni Lander lately.
Kinuha ko ang tray at may nakita pa akong isang note.
Maaga akong pumasok ha? Dahil sa nag-leave ako, marami akong naiwang trabaho sa office. Pinaghanda na kita ng breakfast. Kumain kang maigi ha? Dont forget to drink your milk and vitamins. I love you!
Lander.
Nang mabasa ko ang note niyang iyon, bigla akong kinilig. Napaka-sweet ni Lander.
Sinunod ko yung mga binilin niya. Inubos ko yung pagkaing hinanda niya sakin at ininum ko ang vitamins na nireseta sakin ng ob ko kahapon lang. Pagkatapos ay bumaba na ako para hugasan ang platong ginamit ko.
Pagpasok ko ng kusina ay bigla akong nagulat sa sumalubong sakin.
" Ay kalabaw! Manang Fely. Ikaw po pala yan. " gulat na sabi ko ng salubungin ako ni Manang Fely at kunin ang dala kong tray.
" Naku, pasensya na po ma'am. Nagulat po ba kita? " alalang tanong niya sakin.
" Okay lang po. Kailan ka po ba dumating? " tanong ko sakanya.
" Kanina lang pong madaling araw ma'am. Tinawagan po ako ni Sir. Lander at sinabing dito daw po muna ako. Tutal ay wala na naman po sila Sir. Lance at Ma'am Cristella, ako na po ang magiging katulong niyo dito sa bahay. " paliwanag ni Manang Fely.
" Ah ganon po ba? Si Lander talaga! Pasensya na po kung naistorbo pa kayo niya. "
" Wala po yon ma'am. Masaya akong paglingkuran ang pamilya nila. Napakabait po kasi nila sakin at sa pamilya ko. Sila rin po kasi ang tumulong sa anak ko para makapagtapos ng kolehiyo. "
Pagkasabi niya non ay dinala niya ang tray sa lababo. Lumapit naman ako sakanya. Sa sinabi niya kanina, parang naging interesado tuloy akong malaman kung anong naging buhay niya kila Lander.
" Manang, tulungan ko na po kayo. " alok ko sakanya.
Agad naman siyang napa-iling. " Naku Ma'am Shelby, wag na po. Kaya ko na po ito. Saka, kabilin-bilinan sakin ni Sir. Lander ay wag ko daw po kayong papakilusin dito sa bahay. "
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Nakakainis talaga si Lander! Lahat na lang, gusto niya, siya ang masusunod.
" Okay lang ho Manang Fely. Sa ating dalawa lang na tumulong ako sayo. " sabi ko sakanya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Wala na siyang magawa kasi hawak-hawak ko na ang plato at sinasabunan.
" Uhm, manang, gaano na po kayo katagal kila Lander? Saka, paano po si Lander sainyo? " tanong ko sakanya habang nagsasabon ng mga plato.
" Matagal na ako sakanila Ma'am. Shelby. Kapit-bahay nila ako non nung mga panahong mahirap pa sila. Si Sir. Lance, tuwang-tuwa yan dati sa anak ko. Kasi hirap silang magka-anak eh. Hindi pa nabubuo si Lander. Tapos nong magbuntis na si Ma'am. Cristella, ako ang tumulong sakanya para makapanganak. Sa bahay lang kasi siya non nanganak eh. Kasi nga hirap pa sila sa buhay. "
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...