Shelby's POV
Nagising ako at pagmulat ko ng mata ay hinanap ko agad si Caiden. Nasaan na kaya siya? Wala kasi siya dito sa kwarto kaya naman napaisip tuloy ako. Ang haba ba ng tulog ko?! Sobrang pagod din siguro.
Tumayo ako at tinignan siya sa buong kwarto maski sa banyo, pero wala talaga siya. Lumabas ako para hanapin siya.
Ang haba ng hallway dito. Pakiramdam ko maliligaw ako dahil ang laki-laki nitong yate. Dire-deretso lang ako hanggang sa makarating ako ng elevator. Naisip kong bumaba sa ground floor para hanapin siya.
Paglabas ko ng elevator ay may nabangga na naman ako. But this time malakas na ang impact dahilan para matumba ako pati narin ang nabangga ko.
" Miss are you okay? " alalang tanong sakin ng lalaki.
Hawak-hawak ko ang braso ko habang tumatayo. Paglingon ko sa lalaki ay nagulat ako. Actually, sabay kaming nagulat ng makita namin ang isa't-isa. " Ikaw? " sabay pa naming sinabi.
Siya rin yung lalaking kasama ng malditang nakabangga ko kanina lang. Ano ba naman! Hindi ba sila marunong tumingin sa dinadaanan nila? Hayst!
Inalis niya ang tingin niya sakin at dinampot ang mga roses na nahulog niya. Parang nakonsensya naman ako kaya tinulungan ko na siya.
Isa-isa naming dinampot ang mga roses sa sahig. Ang gaganda ng mga roses. Pulang-pula ito at bukang-buka ang mga petals.
" Eto oh. " inabot ko sakanya yung last rose na nadampot ko.
Kinuha niya yun sakin at ngumiti. " Thank you, are you sure you're okay? " tanong niya pa.
I smiled at him at tumango-tango. " I'm okay don't worry. Uhm, for your girlfriend? " tanong ko habang tinuturo ang mga roses na bitbit niya.
" Yeah! I'm going to propose to her. " he said smiling.
" Oh, how sweet. Congrats in advance! Siya ba yung nakabangga ko rin earlier? "
" Uhm, yup! Sorry about that ha? Mainitin talaga ulo niya, but she's good. Pagpasensyahan mo na sana siya. " sabi niya.
" It's okay. Anyway, I have to go. Congrats again. " paalam ko sakanya.
" Thank you. " sabi niya naman.
At nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sumakay siya ng elevator ako naman patuloy sa paglalakad para hanapin si Caiden.
Ang swerte naman ng babaeng yun. Ang bait kaya ng boyfriend niya. Sayang lang kasi malas siya sa babaeng yun. Napaka-maldita at parang walang pinag-aralan kung magsalita. Paano ba niya nagustuhan ang ganong babae?! Siguro ginayuma siya ng babae na yun. Haha! Ano ba yang mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...