CHAPTER 46

6.8K 130 3
                                    

Lander's POV










Maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin dahil ngayong araw na ang pagbalik namin sa Maynila. Habang inilalagay ko ang mga gamit namin sa maleta ay maya't-maya kong tinitignan si Shelby na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog. Simula nung nangyari iyong kahapon natulog siya ng hindi man lang ako kinakausap. Ayokong umuwi kami ng ganito. Ayokong umuwi ng galit siya sakin. Kailangan kong gumawa ng paraan.











Muli akong napatingin sakanya nang umunat siya ng bahagya at unti-unting idilat ang kanyang mga mata. Akma na siyang tatayo kaya naman agad akong lumapit sakanya para tulungan siyang makatayo.










" Kaya ko. "     maikli at walang ganang sabi niya.










" Nahihirapan ka alam ko. Hayaan mong tulungan kita. "      pilit ko.










Tinigna niya ako ng matagal at hindi na umimik pa. Hinayaan niyang tulungan ko siyang makatayo. Pagtayo niya ay dere-deretso siya sa banyo. Sumunod naman ako sakanya at kumuha ng towel sa mga gamit na inaayos ko. Iniabot ko iyon sakanya at kinuha niya naman ngunit hindi parin ako kinikibo. Halos matatapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit namin at lumabas na siya ng banyo. Dumiretso siya sa maleta niya at kumuha ng damit at nagbihis. Wala parin siyang kibo. Ni tignan ako ay hindi niya magawa. Pagkatapos niya magbihis at mag-ayos ay inaya ko na siyang mag-almusal muna sa baba.










" Mag-breakfast muna tayo sa baba. Mamaya pa naman ang flight natin para hindi ka magutom sa biyahe. "     aya ko sakanya.










Naupo siya sa kama habang sinusuklay ang kanyang buhok.     " Hindi ako nagugutom ikaw nalang ang kumain. "









" Uhm... tatawag nalang ako para magpahatid ng food dito. "      sabi ko.











Kinuha ko ang telepono ng kwarto at tumawag sa baba para magpahatid ng pagkain. Maya-maya lang din ay dumating na ang inorder ko at inayos iyon sa mesa na malapit sa malaking glass window. Lumapit ako sakanya upang ayain ulit siya.









" Please Shelby, kumain na tayo? Makakasama kay baby ang magpalipas ka ng gutom. "      pakiusap ko sakanya.











Tinignan niya ako ng masama.     " Oh? Bakit concern ka? Akala ko ba hindi ikaw ang tatay ng dinadala ko? "













Pumikit ako at bumuntong hininga. Lumuhod ako sa tapat niya at muli siyang tinignan. Hindi natitinag ang kanyang galit na mukha.











" I'm sorry! I'm really sorry! Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong sabihin para mapatawad mo ako. Alam kong mali ako sa sinabi at ginawa ko sayo kahapon. I'm really sorry Shelby. "    pagmamakaawa ko sakanya.














Hindi siya nagsasalita. Tinitignan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya sa mga oras na ito. Sa totoo lang kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko at para na itong sasabog sa sobrang bilis.










" I'm so stupid, I know that. Dapat tinanong muna kita bago ako nagalit ng ganon. I'm sorry. Hindi ko rin alam ang nangyari sakin kahapon bakit bigla akong naging ganon. Hindi ko siguro kaya na may ibang lalaking hahalik sayo at hahaplos sa baby ko ng ganon. I'm so jealous because I really love you, Shelby. At alam kong mali ako sa ginawa ko. Mali na nagpadala ako sa selos na nararamdaman ko at ginawa ang mga bagay na iyon sayo. I'm really sorry. "











Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon