Isabel's POV
" So, this is it! Have a safe flight Isabel. " sabi ni Vicky.
Nandito kami sa airport dahil hinatid niya ako. Ngayon ang araw ng balik ko sa US. Pagkatapos ibenta ng parents ko ang share nila sa hotel ay pinilit na nila akong pabalikin ng US. Wala akong nagawa. Dahil sa lahat naman ng bagay ay sila ang masusunod.
" Balik ulit tayo sa videocall. Basta kapag may kailangan ka, tumawag ka lang sakin. " sabi muli ni Vicky.
" Bantayan mo parin ang mga kilos ni Caiden okay? Lalong-lalo na ang tatlong malalanding iyon. Hindi pa ako tapos sakanila. Gagantihan ko sila! " galit na utos ko kay Vicky.
" Hindi ka parin ba tapos Isabel? Pwede ba, tigilan mo nalang yang mga nasa isip mo? Pwede bang tanggapin mo nalang na hindi na talag kayo pwede ni Sir Caiden? "
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vicky. " So kumakampi ka na sakanila ngayon? Bakit? Gusto mo na sumali sa friendship nila? Go ahead! Sumali ka sakanila! Marami pa akong pwedeng utusan diyan, Vicky! Hindi lang ikaw! "
Bumuntong hininga si Vicky. " Alam mo Isabel, sobrang dami ko ng ginawa para sayo. Kahit labag sa loob ko ginawa ko parin para lang sayo. Kasi para sakin, kaibigan kita. Magkaibigan tayo! Pero kung para sayo ay balewala lang ako, siguro nga mas maganda ng iba nalang ang utusan mo. Dahil sa lahat naman ng mga ginawa ko sayo wala ka man lang na-appreciate kahit isa. "
" Cut that drama Vicky! Kung ayaw mong gawin ang mga pinapagawa ko sayo, eh di wag! Ang dami mong sinasabi! " galit na sabi ko.
" Hindi ko alam kung magbabago ka pa, Isabel. Pero sana. Sana dumating ang araw na magbago ka at ma-realize mo lahat ng mga maling ginagawa mo. Sana maisip mo na lahat ginawa ko sayo dahil mahal kita! Dahil kaibigan kita! I think this is the end of our friendship Isabel. Hindi ko na kaya kung may mga gagawin ka pang hindi maganda. Have a safe flight Isabel. And goodbye! "
Pagsabi noon ni Vicky ay naglakad na siya palayo at hindi na ako muling nilingon pa.
So what kung iwanan niya ako? End of our friendship? Tss! Hindi ko naman siya tinuring na kaibigan! Akala mo kung sino makapag-salita.
Naglakad na ako papasok ng airport at hinayaan na ang mga naging drama ni Vicky.
Anong akala niya? Ganoon lang kadali kalimutan ang lahat? No! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na maging masaya sila! After what they did to me? Itinaboy nila ako na parang pusang gala. Kaya hindi ako papayag na walang kabayaran ang mga ginawa nila sa akin. I will find a way. I will find a way kung paano ko ulit sila sisirain lahat!
---------------------------------------------------------------------------------------
Shelby's POV
Naghahanda ako ngayon ng Lunch sa bahay para sa aming lahat. Kakauwi lang ulit nila Mama Cristela at Papa Lance galing Singapore kaya naman gusto ko sila paghandaan. Tinawagan ko narin sila mommy sa bahay para naman makapunta rin sila dito. Gusto rin kasi makita nila Mama Cristela sila mommy para maka-bonding bago ulit sila umalis.
" Ano Shelby anak? Kaya mo pa ba? Ako na kasi ang gagawa niyan. " awat sakin ni Manang Fely.
Ngumiti ako kay Manang Fely habang hinahanda ang lamesa. " Okay lang po ako manang. Kaya ko pa naman po eh. "
" Pero baka kasi mahirapan ka. Kita mo nga't patagilid ka na maglapag ng mga plato dahil sa laki ng tiyan mo. "
Natawa naman ako sa sinabi ni Manang Fely. Tama naman siya. Sa laki ng tiyan ko ay humaharang na ito dahilan para hindi ko malapag ng maayos ang mga plato at kinakailangan ko pang tumagilid para lang mailapag ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...