CHAPTER 41 ( part 2 )

6.4K 132 1
                                    

A/N : song is ' Make you feel my love ' by adele. Enjoy listening while reading. ^_^












Shelby's POV













When the rain is blowing in your face. And the whole world is on your face.













Kasabay ng tugtog ay ang isa-isang paglalakad ng mga kasama ko sa entourage.














I could offer you a warm embrace, to make you feel my love.











" Kinakabahan ka ba? "      biglang tanong ni daddy na nasa kanan ko.














Tumango lang ako bilang sagot. Para kasing may nakabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita kahit na sa loob-loob ko ay gustong sumigaw para maibsan ang kabang nararamdaman ko.










" Relax ka lang anak, para sayo ang araw na ito. "       nakangiting sabi naman ni mommy na nasa kaliwa ko.
















When the evening shadows and the stars appear. And there is no one there to dry your tears.





" Huminga ka naman Shelby. Masikip ba ang gown mo? Naiipit ba ang baby mo? "      biglang tanong ni daddy.










" H-hindi naman po dad. S-sorry po. Sobrang k-kinakabahan lang po talaga ako ngayon. "      paumanhin ko.











" Normal lang yang nararamdaman mo anak. Sigurado ako na parehas lang din kayo ni Lander na kinakabahan. "      sabi muli ni daddy.











" Mag-relax ka lang Shelby. Baka hindi pa tayo nakakarating ng altar hinimatay ka na diyan. "      pag-aalala naman ni mommy.











Tumango ako bilang sagot at huminga ng malalim at muling naglakad ng dahan-dahan.














I could hold you for a million years, to make you feel my love.














Pagkatapos maglakad ng mga kasama namin sa entourage ay muling sumara ang pinto ng simbahan at kami na lamang ang natira sa labas. Pero hindi rin naman nagtagal ay unti-unti ulit itong bumukas hudyat na ako na ang maglalakad papunta sa harap ng altar kung saan naghihintay si Lander.














Pagbukas noon ay agad kong nakita ang mga matang sakin lang nakatingin. Lahat ng nasa loob ay nasa amin ang atensyont at ang karamihan pa ay kanya-kanyang nagpipicture sa amin. Mas lalo akong kinabahan. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba! Sa dami ng mga bisita tila wala akong makilala isa sakanila dahil pakiramdam ko ay nagbu-blurred na ang paligid.













" Let's go anak. "      yaya ni daddy.














Ngumiti naman ako sakanila at sumunod na sa kanilang paglalakad.















I know you haven't made your mind up yet, but I will never do you wrong. I've known it from the moment that we met, no doubt in my mind where you belong.












Dahan-dahan na kaming naglalakad nila mommy and daddy. Si mommy, naririnig ko na ang paghikbi. Gusto kong tumigil para yakapin siya pero para akong puppet na sumusunod lang sa mga yapak nila ni daddy. Nilingon ko si daddy, deretso lang ang tingin habang naglalakad pero pansin na sa kanyang mga mata ang pamumula at pangingilid ng mga luha. Kung kanina ay sila ang nagche-cheer sakin, parang ngayon sila naman ang gusto kong icheer up.














Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon