Shelby's POV
Nandito ako sa ngayon sa bahay namin. Dumalaw kami ni Lander kila mommy dahil bigla ko silang namiss. Matagal-tagal narin kasi ng huling pumunta ako dito. Yun pa yata yung time na nag-aasikaso palang kami ng kasal namin ni Lander.
" Grabe ate! Ang laki-laki na ng tiyan mo. " natutuwang sabi ni Louise.
" Syempre naman Louise, kambal kaya ang nasa loob ko. " pilosopong sagot ko.
" May ipapangalan na ba kayo sa kambal niyo? " biglang tanong naman ni daddy.
" Wala po pa. Wala pa po kasi kaming naiisip eh. " sagot naman ni Lander.
Tumango-tango lang si daddy. Habang nag-uusap usap kami dito sa sala, napansin kong panay ang ubo ni mommy don sa may kusina habang naglilinis. Tumayo ako at nilapitan siya.
" Mommy, okay ka lang po ba? Parang kanina pa kita napapansin na ubo ng ubo eh. " tanong ko sakanya ng makalapit na ako.
" Okay lang ako anak. " sabi niya habang nauubo parin.
Pero pakiramdam ko ay hindi siya mukhang okay. Ang laki kasi ng pinayat niya at nilalim ng mata.
" May sakit ka ba mommy? " pag-aalala ko.
" Ha? W-wala Shelby. Ano ka ba! Wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako. " pagsisigirado niya.
I sighed deeply. Sana talaga ay okay lang siya.
" Ilang buwan na lang ay manganganak ka na. Handa ka na ba? " biglang tanong niya.
Tumango naman ako. " Opo, mommy. Medyo natatakot lang ako ng konti kasi dalawa ang lalabas sakin. Pero kakayanin ko. "
Ngumiti naman si mommy. " Wag kang mag-alala, Shelby. Ipagdadasal ko na sana okay ang panganganak mo. At sana ay maging masaya kayo. Alam mo naman na mahal na mahal ko kayo ng kapatid at daddy mo diba? "
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Bakit parang may kakaiba? Napaka-weird ng mga kausap ko lately. Parang masyado yatang ma-drama? Ewan ko ba! Hindi na kasi ako masyadong sanay.
" Ano ka ba naman mommy! Tama na nga yan! Don na tayo sa sala. " yaya ko sakanya.
Agad naman siyang sumunod sakin at pumunta na kami ng sala. Naabutan namin na naglalaro sila Daddy at Lander ng chess. Tapos si Louise naman ay nakatutok sa computer.
" Anong ginagawa mo, Louise? " usisa ko sakanya.
" Naghahanap na ako ng magiging name ng kambal, ate. Ano bang gusto niyo mag-start ang name nila? "
" Nako si Louise! Mas excited pa yata kesa sa ate niya. " asar naman ni mommy.
" Wag mo lang subukan sumunod ha? Nako! Magtapos ka muna. " banta naman ni daddy kay Louise.
" Dad! Excited lang naman ako sa pamangin ko. Pero wala pa sa balak ko ang mag-asawa. " maktol naman ni Louise.
Natawa na lang kami sakanya. Batang-bata pa ang isip ni Louise kahit nasa college na siya. NBSB nga yan eh. Kaya sigurado akong matagal-tagal pa bago yan mag-asawa.
" Don't worry pa, kapag may nanligaw sakanya, lagot talaga sakin. " singit ni Lander.
" Isa ka pa, Lander! " saway ko naman.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomantikAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...