Shelby's POV
Pagbaba ko ng kotse ni Caiden ay agad sumilay sakin ang magandang tanawin. Ang sariwang hangin na ang sarap damahin.
" Ang ganda dito. " nakangiting sabi ko.
Naging payapa ang isip ko sa pagdating namin dito sa Palawan. Nakaka-relax ang view tapos ang tutuluyan pa namin ay matatanaw ang magagandang dagat.
" Dito ang kwarto mo, Shelby. Did you like it? " tanong sakin ni Caiden.
Ngumiti ako sakanya at tumango. " Thank you sainyong dalawa ha? Nakisabit pa ako sainyo dito. "
" Ano ka ba, Shelby! Wag mo ng isipin yon. Ang importante, magpahinga ka na. Masyadong mahaba ang naging biyahe natin. " sabi naman ni Chona.
" Sige Shelby. Maiwan ka na namin dito para makapagpahinga ka na. " sabi naman ni Caiden.
Tanging ngiti na lang ang naging sagot ko sakanila at umalis na sila.
Naupo ako sa kama at inayos ang mga damit na binili namin kanina sa mall. Bago kami pumunta dito sa tutuluyan namin ay binilihan nila ako ng mga damit na gagamitin ko. Kahit isa kasi ay wala akong nadala. Tanging wallet at cellphone lang ang nadala ko papunta dito.
Buti na lang ay meron akong mga kaibigan na katulad nila Caiden at Chona. Napaka-bait nila sakin at handa silang tulungan ako. Hihintayin ko lang na makapanganak ako. Kapag nanganak na ako, tutulong din ako sa pagta-trabaho.
Habang busy ako sa pag-aayos ng mga damit ay biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng makita ang pangalan ni Phomela sa screen.
" Hello, Phoemela? "
" Shelby! Nako naman! Nasaan ka ba? Alam mo bang nagwawala dito sa office si Sir Lander at muntik na niyang patayin si Isabel? " halata sa boses niya ang pagkataranta.
" A-ano? "
" Nasaan ka ba kasi? Hindi ko na alam gagawin ko sakanya. He looks like wasted. Ano ba kasing nangyari? "
" Phoemela, may tiwala ako sayo. Kaya sana, wag mong sirain. Wag na wag mong sasabihin sakanya na nagkausap tayo. Ipapaliwanag ko din sayo kapag nagkita na tayo. "
" Pero Shelby--- "
" Basta Phoemela, wag kang magsasalita. Ayokong malaman niyang nagkakausap tayo. Kapag nagtanong siya sayo, sabihin mo hindi mo alam. Maasahan ba kita ha? "
Hindi agad nakasagot si Phoemela. Alam kong nag-iisip pa siya sa kung anong isasagot niya. Pero kilala ko naman siya. Alam kong hindi niya ako ilalaglag. Alam kong hindi niya sasabihin ang pag-uusap naming ito.
" Okay, I will. Hindi ko sasabihin. Pero nasaan ka ba talaga? " tanong niya sakin.
" Basta, sasabihin ko din sayo. Pero hindi muna ngayon. " sabi ko naman.
" Sige, babalik na ako sa trabaho. Makakaasa ka sakin sis. Hindi ko sasabihin kay Sir Lander kung nasaan ka. "
" Thank you. " pagkasabi ko non ay biglang nag-end ang call.
Hindi ko alam kung bakit niya pinagdidiskitahan si Isabel dahil sa pagkawala ko. Siguro ay iritado lang siya at si Isabel ang nakita niya ngayong araw kaya naman sakanya nabaling ang init ng ulo ni Lander.
Kahit pa gusto ko siyang awatin sa ginagawa niya don pero hindi pwede. Nananaig parin kasi sakin kung anong panloloko ang ginawa nila sakin ni Alexa.
Kailangan kong maging matatag. Kailangan hindi ako padadala sa kung anong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng palagi na lang akong niloloko at sinasaktan. Kung kailangan kong maging manhid, gagawin ko. Para lang hindi maulit ang ganito sakin.
----------------------------------------------------
Lander's POV
" Get out all of you! I don't need you all! " sigaw kong muli.
Isa-isa silang nagsi-alisan sa loob ng opisina ko. Ang daming kalat. At ang kamao ko ay punong-puno ng dugo. Galit na galit ako. Im so frustrated! Hindi ko alam kung saan ko sisimulang hanapin si Shelby.
Nang dahil sa galit ko, I even try to kill Isabel. Nang makita ko siya kanina ay agad kumulo ang dugo ko. At hindi ko napigilang sakalin siya at saktan. Tinulak ko siya ng wala akong marinig na salita mula sakanya. Nanggigil ako kasi parang hindi siya nagsisisi sa kung anong ginawa niya.
" I don't need to say sorry. Infact, im very happy. I destroy again Shelby. That's all I want. Ang maging miserable ang buhay niya. Wala siyang karapatan maging masaya! "
Sa mga sinabi niyang iyon, don lalo kumulo ang dugo ko. Don lalo ako nanggigil at nanggalaiti sa galit. Hindi ko siya kayang makita. Dahil sa tuwing makikita ko siya, parang may tumutulak saking patayin siya.
So I called Caiden's father. Sinabi ko ang lahat ng hinaing ko kay Isabel. At nalaman ko na kaya din pala nag-break sila Caiden at Shelby ay dahil din sa kagagawan niya. Dahil din sa ginawa niya. Kaya naman nag-decide nadin siya na i-pull out ang lahat ng share ni Isabel. Wala na siya sa hotel na ito at ban narin siya sa lahat ng hotel na hawak namin.
Pero hindi parin iyon sapat. Kasi kahit wala na siya dito, hindi parin nauwi si Shelby sakin. Hindi ko parin siya nakikita. I want to see her. I want to talk to her.
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng makita kong nakatayo don si Phoemela na takot na takot.
" S-sir, m-may bisita po kayo. A-alexa daw po. " utal na sabi ni Phoemela.
Nilapitan ko siya at tinignan ng seryoso.
" Where is Shelby? " tanong ko sakanya.
" P-po? "
" Did you know where is Shelby? " tanong kong muli.
Yumuko siya sakin. " Hindi ko po alam sir. Maniwala po kayo sakin. Hindi ko po talaga alam. "
I sighed deeply. " Sana totoo yang sinasabi mo, Phoemela. Kung makausap mo man siya, pwedeng sabihin mong umuwi na siya? "
Tumango-tango naman siya. " O-opo sir, sasabihin ko po. "
" Papasukin mo na si Alexa. " sabi ko at naupo sa sofa.
Sumunod naman siya agad. Maya-maya pa ay nakita ko ng pumasok si Alexa.
" What the hell! Anong nangyari dito? And look at you, anong nangyari sa kamay mo? " bungad ni Alexa ng makita ang itsura ng office at ng kamay ko.
" I didn't know what to do, Alexa. Hindi pa umuuwi si Shelby. " and then my tears now flow.
Hinimas-himas niya ang likod ko. " Im sorry. Im really sorry, Lander. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Im sorry. "
" Hindi ko alam kung nasaan na siya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Im so depressed, Alexa. "
" Stop crying, Lander. Hayaan mo, bago ako bumalik ng states, tutulungan kitang hanapin si Shelby. Hahanapin natin siya. Para makabawi man lang ako sa panggugulo na ginawa ko sainyo. "
Pagkasabi niya non ay niyakap niya ako. Hindi ko alam kung saan talaga ako magsisimula. Pero pasalamat na lang ako na nandito si Alexa para tulungan ako. Alam kong gagawin niya yon.
Hahanapin kita, Shelby. Hahanapin kita kahit nasaan ka man. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik ulit sakin. Ganyan kita kamahal.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...