CHAPTER 52

5.5K 102 3
                                    

Shelby's POV

" Lander ano ba! " sigaw ko habang natatawa.

" I'll be busy this day. Kaya naman pupunuin na kita ng halik. " sabi naman niya habang hinahalikan ako.

Hinahalikan niya ako kahit saang parte ng mukha ko. Ewan ko ba dito sa taong 'to! Ang aga-aga puro kalandian ang alam. Papasok na lang, kailangan may ganito pa. Tapos parang sobrang saya pa niya.

Nahinto lang siya ng bigla akong napasigaw.

" Why? What's wrong? " bigla naman niyang tanong.

" Sumipa yung kambal. Tumigil ka na kasi. Lalabas na lang sila, ang manyak mo pa rin. " pang-aasar ko sakanya.

" Manyak talaga? Hindi ba pwedeng mahal lang talaga kita? " he said then wink at me.

Okay! Kikiligin na ba ko? Nakakaloka lang talaga 'tong si Lander. Lately kasi, nagiging over sweet siya. Kapag nandito siya sa bahay, sweetness overload talaga! Yung dinaig pa namin ang mga teenager sa kaharutan niya?

Tumayo na siya at inayos yung suit niya. Naka-bihis na kasi siya ng bigla niya akong harutin.

" Ayan tuloy, nagusot na yung suot mo. " sabi ko habang inaayos ang damit niya.

" It's okay. Makakapunta ka ba ng lunch sa office? Im craving for tempura. Can you make me some? " tanong niya.

Ngumiti ako sakanya at tumango. " Sure! I'll be at your office later. "

He gave me a peck on my lips. " Thanks, wife. "

Lumabas na kami ng kwarto at hinatid ko na siya sa may gate. Pag-alis niya ay agad akong nagpabili kay Manang Fely ng mga gagamitin ko sa paggawa ng tempura na ni-request ng asawa ko. Simula ng pumunta dito si Alexa, nag-aral akong magluto. Though marunong naman ako, pero hindi ganon kagaling. Kaya naman nagpaturo ako kay Manang Fely na magluto ng mga pagkain. Lalo na ang mga paborito ni Lander. Gusto kong magustuhan niya lahat ng lulutuin ko para sakanya.

At hindi namanp ako nabigo. Simula ng matuto akong maglpuPpto ay nagustuhan ni Lanpb
qder lahat ng hinahain ko sakanya. Kaya ngayon, madalas na siyang mag-request ng mga gusto niyang kainin.






---------------------------------------------------

Bago ko pumasok sa hotel ay tinignan ko muna ang itsura ko sa maliit na salamin na nasa pouch na dala ko. Gusto ko kasi na kahit malaki na ang tiyan ko, mag-mukha parin akong maganda sa paningin ni Lander. Ewan ko ba! Simula talaga ng makita ko si Alexa, pakiramdam ko ang dami ko ng insecurities sa katawan. Hindi ko naman talaga ugaling maiinggit eh. Kahit nga non kay Isabel, kahit alam kong model at maganda ang katawan niya, ni hindi man lang ako nakaramdam ng konting inggit sakanya. Pero ngayon? Halos ramdam ko lahat ng inggit ko sa katawan. Sabi nga nila Chona, dala lang daw siguro 'to ng pagbubuntis ko. Mood swings, ganon. Sana nga ganon talaga. Para naman hindi ko na dala-dala ang nararamdaman kong 'to hanggang sa manganak ako.

Pagpasok ko sa hotel ay katulad lang din ng dati. Binabati na ako ng lahat na ' Mrs. Brooke '. O di naman ' Ma'am Shelby '. Hindi parin ako sanay pero hinahayaan ko na lang.

Nang makarating ako ng second floor at makapunta na sa office ni Lander ay napangiti ako ng makita ko si Phoemela sa dati kong pwesto. Tinotoo nga ni Lander ang pag-promote sakanya bilang secretary niya. Paglapit ko sakanya ay agad niya akong nginitian.

" Good afternoon, Mrs. Brooke. " bati niya sakin.

Natawa naman ako sa pagbati niya. " Haha! Langya, Phoemela! Hindi ako sanay. Wag mo na nga akong ganyanin. "

Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon