Shelby's POV
" Anak ano? Okay ka na ba ha? Sumagot ka naman. " paulit-ulit na sabi ni mommy habang nakatok sa pinto ng cr ko.
Simula kasi paggising ko ay panay na ang pagsuka ko. At ayokong kumain ng inakyat sakin ni mommy na breakfast kahit pa na sobrang gutom na gutom na ako. Ayoko kasi ng amoy ng bacon. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nasuka ngayon.
Nagmumog ako at lumabas ng cr. Kitang-kita sa mata ni mommy ang pag-aalala sakin.
" Ano ng nararamdaman mo? Okay ka na ba? " alalang tanong ni mommy.
Tumango naman ako. " Okay na ako mom. Ayoko lang ng bacon, uhm... Gusto ko sana ng pizza. Yung maraming cheese mommy. " nakangiting sabi ko.
Tumango naman agad si mommy. " Sige anak, magpapadeliver nalang ako. " sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Umupo muna ako sa kama ko habang hinihintay ang gusto kong kainin. Sabi sakin bed rest daw ako for three months. Kaya ayun, OA sila mommy at ginawang literal na bed rest ang pinapagawa sakin. Palagi lang akong andito sa kwarto at hindi ako pinapagawa ng kahit ano. Maski ang simpleng pagwalis lang ay hindi rin pinapagawa sakin.
" Ate? " sabi ni Louise na dahan-dahan pumapasok sa kwarto ko.
" Oh, bakit? " tanong ko sakanya.
" Ate may bisita ka. " sabi niya pero malungkot ang mukha.
Ngumiti naman ako ng malawak. " Sila Phoemela at Chona ba yan? " masiglang tanong ko sakanya.
Namimiss ko na kasi ang dalawang yun. Simula ng na-confine ako sa hospital at nalaman ni Lander na buntis ako ay hindi na niya ako pinabalik sa hotel. Sabi niya siya na daw ang bahala sa lahat ng naiwan ko doon. Tapos sila Phoemela at Chona naman ay hindi maka-dalaw dahil marami daw guest sa hotel at halos doon na sila matulog sa sobrang busy. Ang alam ko kasi nag-promo sila kaya naman halos fully booked na naman ang hotel na iyon. Wala parin silang alam sa kondisyon ko ngayon. Ang alam lang nila naka-sick leave ako.
Umiling lang si Louise at hindi sumagot.
Napakunot-noo naman ako. " Kung hindi sila, sino? "
Hindi sumagot si Louise hanggang sa narinig namin si daddy na sumigaw.
" Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na! " sigaw ni daddy.
Na-alarma naman ako kaya agad akong tumayo at kumaripas ng takbo pababa. Sinisigawan ako ni Louise sa likod at pinaaalalahanan na baka daw madulas ako pero hindi ko iyon pinansin. Nakita ko si daddy sa pinto at may kausap siya.
" Daddy, sino yan? " tanong ko.
Agad naman lumingon si daddy kaya naman nakita ko agad kung sino ang nasa labas ng pinto. Nanlaki ang mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Siya ba talaga yan? Siya ba talaga ang nasa harap ko ngayon? Parang hindi ako makapaniwala. Nananaginip lang ba ako?
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...