Shelby's POV
Lumipas ang araw na walang Alexa na muling nanggulo sa bahay. Simula ng makarinig ako ng masasakit na panghuhusga sakanya, hindi na natahimik ang isip ko. Hindi ko akalain na magkaibigan pala sila ni Isabel. Sabi ni Lander, hindi niya din naman alam na magkakilala ang dalawa. Matagal na daw si Alexa sa states at ngayon lang daw ulit sila nagkita. So wala talaga siyang balita kung ano ang nangyayari sa buhay ni Alexa.
Sabi niya rin, kalimutan na lang namin ang nangyari na yon. Hindi na daw niya hahayaan na manggulo pa ulit si Alexa samin. Actually, gusto ko rin naman na kalimutan iyon eh. Sa ginawa pa lang ni Lander kay Alexa, yun sampalin niya ng dalawang beses, ganting-ganti na ako non sa mga sinabi niya sakin. Hindi ko nga rin inaasahan na gagawin ni Lander yon sakanya. Hindi ko alam na kaya niyang gawin yon kay Alexa.
Pero kahit gusto ko man kalimutan ang mga nangyari, hindi ko magawa. Nababahala parin kasi ako kay Alexa. Lalo na kilala pa niya si Isabel. Alam ko ang ugali ni Isabel. Demonyo yon! At lahat gagawin non para lang pasakitan ako.
" Ma'am tara na po ba? " biglang sulpot ni Cecile.
Ngumiti ako sakanya at tumango. Nagpasama kasi ako sakanya para mamili ng mga kulang pang gamit para sa panganganak ko. Si Lander kasi panay laruan at mga damit ang mga pinagbibibili. Nakalimutan niya bumili ng mga mittens at lampin.
Paglabas namin ay naka-abang narin si Jose. Si Jose ang kapatid ni Cecile. Siya naman yung magiging driver namim pansamantala. Ayoko na sana kumuha ng driver pero kailangan dahil hindi ko na kayang magmaneho dahil narin sa kalagayan ko ngayon.
" Tara na po Ma'am? " tanong ni Jose.
" Pwedeng ate na lang ang itawag niyo sakin? Nauumay na kasi ako sa ma'am eh. Kahit sa opisina ni Lander ganyan ang tawag sakin. " sabi ko sakanila.
" Pero po ma--- "
" Ate. " paglilinaw ko kay Jose.
Napakamot na lang siya ng ulo sakin. Tapos sumakay na kami ni Cecile don at nagpunta na ng mall.
Nag-iikot na kami ni Cecile sa mall para tumingin ng mga gamit para sa kambal.
" Eto kaya? Kaya lang parang ang nipis. " sabi ko kay Cecile habang hawak ang isang dosenang lampin.
" Oo nga po ate. Saka parang magaspang din po. " puna naman ni Cecile.
Binalik ko ang hawak ko at nag-ikot pa. Inabot din siguro kami ng isang oras bago ma-kumpleto ang mga gamit na kailangan kong bilhin.
" Cecile pagod ka na ba? Kain muna tayo tapos daan tayo ng supermarket. Mamili narin tayo ng groceries para wala na tayong kulang sa bahay. " sabi ko sakanya.
" Hindi pa po ako pagod, ate. Kayo po? Baka po pagod na kayo at nangangalay. " tanong naman niya.
Umiling naman ako sakanya. " Kaya ko pa. Itext mo na yung kapatid mo para kunin itong pinamili natin. Para wala na tayong bibitbitin pagpunta ng supermarket. " paki-suyo ko sakanya.
Agad naman niya iyong sinunod habang ako ay naghihintay sa cashier para matapos i-punch lahat ng mga pinamili ko.
" 1,620 po ma'am. " sabi ng cashier ng matapos niyang kunin lahat ng mga pinamili ko.
Kukunin ko na sana ang pambayad ko ng may biglang kamay na may hawak na card ang sumulpot sa harapan ko.
" Heto miss oh. " abot niya sa cashier.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...