Alexa's POV
Pagdating ko sa condo ay sumalampak agad ako sa kama at umiyak. Bakit ba ko nagkakaganito? Hindi naman ako ganito kasama noon. Pero bakit pakiramdam ko ang sama-sama ko na ngayon.
Nakokonsensya na ako. Sa lahat ng sinabi ko kay Shelby mula nong encounter namin sa bahay nila, pati don sa pag-uusap namin kanina sa mall, pakiramdam ko sobrang sama na ng ugali ko.
Bumangon ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Kinuha ko ang laptop at agad nagpunta sa video call para tawagan si Zeria.
" What look is that, Alexa? " aad bungad sakin ni Zeria.
Hindi ako sumagot. Alam ko na ang tinutukoy niya. Sa kakaiyak ko, nagkalat na ang mascara sa mukha ko.
" I knew it! It's about Lander again. Ano ka ba naman Alexa! Bakit hindi mo na lang siya i-let go? Find your own happiness. Don't be a devil to ruin a happy family. " sermon na naman niya saking muli.
Naiyak na naman ako sa mga sinabi ni Zeria. Naiyak ako kasi alam kong nasasaktan ako sa katotohanang kailangan kong tanggapin. Na hindi para sakin si Lander.
" Alexa, come on. Wake up! Let him go! Makinig ka naman sakin. Alam kong mahal mo siya. Pero hindi na tama ang ginagawa mo. Please Alexa, listen to me. It's for your sake. " pagmamakaawa sakin ni Zeria.
She's right! Definitely, she's right. Hindi naman talaga ako sasaya kung ganito ang gagawin ko. Hindi ako ganito kasama na para sumira ng isang masayang pamilya. Yeah! I can see to them na masaya na sila. Tama si Shelby, kahit hindi sila legal, wala na yon sakanila as long mahal nila ang isa't-isa. Truth hurts right!
" I know Zeria. And you're right. Im not gonna be happy if I ruin their life. Im going back to states. Hindi ko na sila guguluhin. Hindi ko na papakialaman si Lander. Alam kong masaya na sila at hindi tama na guluhin ko pa sila. Besides, may anak na sila. "
Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Zeria.
" Thank you, Alexa. Nabuksan narin ang isip mo na hindi tama ang ginagawa mo. " masayang sabi niya.
I smiled bitterly. " Thank you, Zeria. You light up my mind. "
Kahit ganito ang naging desisyon ko, masakit parin sakin ang iwan si Lander. I love him so much. Pero sadyang hindi talaga siguro kami para sa isa't-isa. Kasi kada may opportunity na magtatapat ako sakanya, palagi na lang in an instant may biglang hahadlang.
" I'll hang-up na Zeria. This is my last night here in the Philippines. I want to enjoy my last day here. " sabi ko sakanya.
" Okay! Keep safe always, Alexa. "
Pagkatapos non ay in-off ko na yung video chat namin at naligo. I've decided to leave. Hindi na ako manggugulo sakanila kahit kailan. Pipilitin ko narin maging masaya sa states para sa ikabubuti ko narin.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako at bumaba. Pagsakay ko ng kotse ko ay tinext ko na muna si Isabel. I want to see her for the one last time. And I want to say sorry dahil hindi ko na magagawa ang paghigantihan ang taong nanloko sakanya.
To: Isabel
Hi dear! Meet me at the bar. Don sa pinag-inuman natin before? I want to have fun tonight. See yah!
Pagkatapos non ay pinaandar ko na ang kotse papunta ng bar.
---------------------------------------------------
Isabel's POV
Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ko iyon. Pupunta kasi ako ng bar ngayon dahil nakatanggap ako ng text from Alexa. She wants to have fun tonight kaya naman agad akong pumayag.
Nang makarating na ako sa bar ay hinanap ko agad kung nasaan siya. Nakita ko siya sa may pinaka-dulo ng table at mukhang lasing na? Kanina lang siya nagtext ha? Ang dami na agad niyang nainom? Agad ko siyang nilapitan at naupo sa tapat niya.
" Lasing ka na agad? " bungad ko sakanya.
Tumingin siya sakin at napansin ko ang pagkalat ng kanyang mascara. She's crying. But why?
" Are you crying? " tanong ko sakanya.
Pinunasan niya ang kanyang mukha dahilan para lalong magkalat ang mascara sa mukha niya.
" Im sorry Isabel. I said I just want to have fun. But I can't hide my feelings now. Im hurting. " umiiyak na sabi niya.
" But why? What's wrong Alexa? Tell me. " nag-aalalang tanong ko.
She shot her drinks. " Im leaving. Im leaving Isabel. Im sorry I can't do anything to make revenge for you. Im not gonna ruin Lander and Shelby's life. "
I looked at her puzzled. Hindi ko siya maintindihan.
" I can't understand. "
She smiled at me bitterly. Kitang-kita sa aura niya ang pagkalungkot. Ano ba talaga ang nangyayari sakanya?
" Babalik na ako ng states Isabel. Hindi ko na itutuloy ang planong paghiwalayin sila Lander at Shelby. Ayokong manira na ng buhay nila. " then she cried again.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. What the hell? Ano bang nangyayari sakanya at bigla siyang tumalikod sa plano? Nung isang araw lang ang saya-saya niya dahil madali niyang mapaghihiwalay ang dalawa. Bakit biglang nagbago ang isip niya.
" Why Alexa? Akala ko ba madali mo na silang mapaghihiwalay? Hindi ba peke lang ang kasal nila? "
" Yeah! It's true that their marriage is fake. Pero kahit na peke ang kasal nila, nakikita ko sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Hindi ko sila basta masisira, Isabel. " paliwanag niya.
" Fuck Alexa! Hindi mo pwedeng gawin 'to! Sabi mo mahal mo si Lander? You'l do anything for him. Pero bakit ka tumitiklop? Hahayaan mo na lang ba na mapunta si Lander sa bitch na yon? " galit na sabi ko.
" Yes! I love him! That's why I let him go! Because I want him to be happy. And I know he's happy with Shelby. " sagot niya sakin.
No! This is not happening. Hindi pwedeng maging malambot ulit si Alexa. Kailangan ko siya para makaganti kay Shelby.
Hindi na ulit siya nagsalita at naging sunod-sunod na ang pag-inom niya.
" Don't be mad at me, Isabel. But my decision is final. See you again in states. Im gonna go now. " sabi niya at tumayo.
Pero pagtayo niya ay natumba siya kaya agad ko siyang binuhat. Lasing na lasing na talaga siya. At tingin ko ay hindi na niya kayang umuwi pa ng mag-isa. Tinulungan niya din naman ako non nung nalasing ako. Kaya iuuwi ko na lang din siya ngayon.
Nang makarating na kami sa condo nila ay nagpatulong ako sa guard para mai-akyat siya at mai-higa sa kama. Nang naihiga na namin siya ay agad ding lumbas ang guard at naiwan na lang akong mag-isa. Habang si Alexa ay mahimbing ng natutulog.
Hindi ako makapaniwala na kaya niyang lumambot ng ganon kadali. Sabagay, Alexa is a good person. Indeed! Kaya kung na-brainwash ko man siya ay panandalian lang yon.
But damn! Hindi pwede ang ganito! Kailangan may gawin ako. Hindi ako papayag na maging masaya na ng tuluyan ang Shelby na yon.
Nag-iisip ako ng paraan para guluhin muli si Shelby ng mapasulyap ako kay Alexa. At habang nakatingin ako sakanya ay may unti-unting nabubuong magandang plano sa isip ko.
Kung hindi pa talaga mag-work ang planong ito, hindi ko na lang talaga alam. Pero sa naiisip ko, sigurado akong mas gugustuhin na lang ni Shelby ang mamatay kesa sa makita ang pinaplano ko para sakanya. Haha!
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...