A/N : song is " I'd still say yes by freestyle " .. enjoy reading while listening .. :)
Shelby's POV
Nagising ako ng maaga at nag-ayos na agad para makapasok ng trabaho. Naligo, nagbihis, kumain, at nag-ayos ng mukha. Normal na ginagawa ko araw-araw bago ako pumasok.
Pagbaba ko ay agad-agad akong nag-abang sa pinto na para bang may hinihintay. Nakangiti pa ako at palinga-linga sa daan.
" Anak, sinong hinihintay mo? " tanong sakin ni mommy ng lapitan niya ako sa may harap ng pinto.
" Si Caiden mom. Ang tagal --- " naputol ang sinasabi ko ng may maalala ako.
Hindi na pala kami. Hiwalay na pala kami one week na ang nakakalipas. At ang masakit pa nun ay hindi parin ako maka-move on. Araw-araw ay nawawala sa isip kong hiwalay na kami at ginagawa ko ito palagi. Ang hintayin siya na sunduin ako at puntahan dito sa bahay.
Hindi ko parin siya makalimutan at hanggang ngayon, mahal ko parin siya. Tumulo na naman ang luha ko ng di inaasahan sa mga naalala ko.
Lumapit sakin si mommy. " Anak, wag ka kaya munang pumasok? Baka hindi mo pa kaya. " nag-aalalang sabi niya habang himas-himas ang likod ko.
Pinunasan ko naman agad ang luha ko at nagbigay ng fake smile kay mommy. " Don't worry mom, I'm okay. " tapos niyakap ko si mommy.
Ayokong mag-alala sakin sila mom and dad. Kaya kahit masakit ay pipilitin kong maging malakas. Pipilitin kong kalimutan na ang lahat ng mga nangyari sakin, samin ni Caiden.
Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa ni Caiden. Kaya naman tatanggapin ko na yun kahit pa pakiramdam ko ay para na akong pinapatay sa loob ko. Kailangan kong magpatuloy sa buhay. Hindi ako pwedeng malugmok nalang palagi dahil alam kong kung nasasaktan ako, mas nasasaktan din ang pamilya ko.
Ginamit ko na ang kotse sa bahay. Marunong naman akong mag-drive kaya simula ngayon ay hindi na ako maghihintay ng may magsusundo at maghahatid sakin. Simula ngayon wala ng Caiden ang magiging parte ng buhay ko. Simula ngayon pipilitin ko ng magising araw-araw ng hindi na siya ang palaging kasama ko.
Pinaandar ko na yun at nagbiyahe na ako papuntang hotel. Wala naman masyadong traffic kaya nakarating din ako kaagad sa hotel. Pinark ko na yung kotse sa parking lot. Pero bago pa man ako lumabas ng kotse ay huminga muna ko ng malalim.
Kaya mo 'to Shelby. Be strong!
Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako at pumasok na ako sa elevator pa-akyat ng hotel.
Sigurado ako na alam na nila ang nangyari samin ni Caiden dahil isang linggo na ang nakakalipas mula ng makababa kami sa cruise na iyon. Kaya naman hindi na ako nagulat ng pinagtitinginan na ako habang naglalakad papunta sa table ko.
BINABASA MO ANG
Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )
RomanceAng akala ni Shelby ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, totoong kaibigan, at mapagmahal na kasintahan. She thought she'll have a happily ever after with Caiden, her 4 years boyfriend who love her so much. Until one day nagbago ang lahat ng...