CHAPTER 74:
Nakarating na kami sa may quadrangle at nakita namin na nagsisimula na yung pagpunta ng mga nakakuha. Pano naman kaya nila mapapatunayan na yun yung legendary stone chu chu kung san lang nila ito hinagilap?
Nagpapalakpakan ang mga tao habang umaakyat yung mga nakakuha at pinapaconfirm ang mga bato. Pagkatapos ng lahat ay biglang nagsimulang mag usap yung MC.
"Sige na may pagbibigyan ba kayo ng legendary stone na yan?"
"OO!"
"Kung narito sila ibigay nyo na agad! Kung ayaw nyong mawala ang tapang at pagsisikap nyo para mahanap ito. Wag kayong mag alala dahil nakumpirma na naming lahat ang mga bato na naitago namin sa buong school"
Maya maya pa ay sumunod na ang mga taong nakakuha ng legendary stone chu chu at halos lahat ay naging masaya sa kanilang nakamit
"Yan ang tunay na tapang mga kaibigan"
"OO!" nag hiyawan silang lahat.
"Ano ba yun?" tanong ko na lang habang dahan dahan nya ko naibaba sa malamig na semento. Bumatak sya ng isang estudyante kanina sa daan at nanghiram ng sako para daw may lapatan ang paa ko kahit papano. Ayaw ko kasi sa may bench kasi masyado malayo para maaninag ang mga tao sa stage.
"Yaan mo na sila, buhay nila yan eh manood na lang tayo" Sabay pagpag nya ng kamay at nagpamulsa
"Oo nga eh"
"Siguro hinahanap mo rin yun no?"
"Hinahanap? Oy excuse me no! Ang hinahanap ko ay mapagtataguan hindi ang batong yun!"
"Weh talaga? Tapos pag nakuha mo mag coconfess ka sakin tas sasabihin mo 'Ichi I heart you'"
"YUCK!!"
"HAHAHAHA ang sagwa"
"Manahimik ka na nga lang!"
Maya maya pa ay nagbuntong hininga ang mc na kumuha ng atensyon ng lahat, maging kami na nag aaway ni Ichi ngayon
"Aba mukhang walang nakakuha ng legendary stone ah?"
"Ano daw?"
"Teka lang eh ano to?"
"Wait nakakalito"
"Alam ko na nagtataka kayong lahat pero ang mga nakuha nyong bato ay isinali lamang namin para ng sa ganun ay mas marami ang magkaron ng pagkakataon at mas maraming maging participants. May mga naka engrave lang dyan sa magandang puting bato na yan pero hindi yan ang bato. Ang mga yan ay peke"
"Ano daw?"
"Hoy! Niloloko mo ba kami?"
"Oh easy lang guys! May premyo naman kayo hindi ba? At nagkaron kayo ng motivation para kunin ito para sa premyo! Parang pag ibig lang yan, ang paghahanap ng tapang ang magiging way mo para makapagtapat ka sa taong mahal mo! O mas naging matapang ba kayo?"
Nagtanguan naman silang lahat at tumingin sa mga may partners o naging partners nila. Napaka ligalig naman mag react ng mga tao dito. Ang galing rin magpasakalye ng mc ha?
"Buti na lang hindi ako kasali dyan no" bulong ko pa tas kinapa ko pa yung weird na parang dyamante like na bato na nakita ko kanina
"Ano yun?" tanong ni Ichi
"Wala , nakikipag usap lang--"
"San? Sa sarili mo? Talagang malala ka na"
"Manahimik ka nga!!"
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"