CHAPTER 63:

22 0 0
                                    

"Alis na kami Ma!!" kaway ko sabay lakad with Isaiah. Punta muna kami sa meeting place which is RSC. May private shuttle naman daw kasi kaya walang problema sa sasakyan. Yung totoo? Eto ba ang pondo ng Students Council? Oh sadyang mayayaman lang talaga ang mga taong ito? Hindi ko alam basta nainform ko na si Ichi at sinabi ko na sa school na kami mag kikita. Mahaba ang byahe kaya 5:30 AM nasa RSC na dapat kami. Parang tour lang hahaha

RSC

"Hi bestie!!" bati sakin ni Phil na kakwentuhan ni Simon. Lumapit ako and I hug him.

"Oh akala ko ba hindi ka sasama?" I asked Phil

"Ha? Nako naisip ko kasi libre eh. Maraming magagawa, example boy hunting" Sabay hampas sakin

"Hahaha lokaret ka talaga, yun lang dahilan mo?"

"At ikaw? Akala ko hindi karin sasama?" Tinapik ko naman si Simon

"Ha? Basta wala" he said and put some earplugs on his ears

"Nyare sayo?" At hindi nya ko sinagot. Wala ata sa mood tong lokong to ah? Masama ang gising? 

Lumapit si Isaiah sakin at may binulong

"Cool off sila nung girlfriend nya" and I mouthed the word 'Ahhhh' yun parang narealize na tono sabay tango ng dahan dahan at lumapit sa kanya para akbayan sya. Tumingin lang sya sakin at ngumiti.

"Kwento mo sakin yan" sabi ko sa kanya tapos kinurot lang ako sa pisngi

Then suddenly Isaiah pull me and whisper something again on my ears. Malapit kami sa isa't isa at nagkatawanan. Joke lang naman yung binulong nya, tungkol kasi kay Simon yung joke nya eh. Nung nagkakatawanan na kami, nakita namin sina Ichi at Megan na nakatayo sa may harapan namin. Feeling uneasy. Please spell AKWARD K.A.M.I

Ichi pulls my bag at sinukbit sa balikat at umalis, while Megan look at me seriously at lumapit kay Isaiah to kiss him on his cheek.

Napalingon ako kay Phil and he mouthed the word 'akward'

Lumakad na ko papunta kay Ichi para sundan sya, seryoso syang naglalakad sa kabilang bench.

"Hoy Kapre" tapos pag upo nya, lumingon sya kung nasaan sina Isaiah at sabay tawa. 

"Nice Saia" 

"I know what you aw towking abawt" tapos tumawa kami.

"Si Gen?" bigla kong tanong.

"Andyan na"

"Kala ko di sasama yun"

"He's a picture freak. I mean he really loves taking pictures of sunset and all, may sinalihan nanaman syang contest online for photography. May activity parin daw silang gagawin. Painting or so I don't know"

"Ah" ang tangi kong nasagot

Tapos lumakad na kami. Napalingon yung mga student council samin dahil dala nya ang bag pack kong malaki. Ngumiti si Ichi tapos tumingin ng masama sakin

"Dahil sayo nagiging ganto ang image ko. Para akong under dog mo"

"Wala eh, babae ako eh" sabi ko na lang na may tonong nakakaloko

Nung hindi na sila nakalingon at malapit na sa shuttle. Binagsak nya yung bag ko at nag dere deretso kung saan

"Siraulo ka talaga" sabi ko nalang at pinulot ang bag ko. Nung isusukbit ko na, sa bigat eh muntik na ko tumumba buti may sumalo sakin

"Ah salamat ha?" at napalingon ako

"wala yun" ngiti nya

"Gen?"

"Hi Girlfriend"

"Naku thank you ha?" sabi ko at umayos ng tayo

"Wala yun, nasan si Ichi?"

"Ayun umuna na" at sana umuna na sya sa hell tss!! 

"Ahahaha siraulo talaga minsan yang boyfriend mo eh. May sa moody"

"Moody ka dyan? Masama lang talaga ang ugali nya" I muttered under my breath

"What?"

"Nothing"

Tapos nakita ko si Ichi na lumabas mula sa may portal ah este sa registrar na daan papuntang comfort room. He took a sharp glance at us then walk away.

"Huh?" we said on chorus at nagtaka. Dumeretso na rin kami sa shuttle at humanap ng pwesto. Nakita ko si Ichi sa kanan (pag papasok) at matic na dumeretso dun. Ngumiti sya pagkadaan ni Gen tapos sabay shift ng mood nung nakita ako. Napataas kilay ako sa pagtataka at inalis yung bag ko at nilagay sa may tabi nya.

"hoy dyan ako sa may bintana" hindi sya sumagot at nag lagay lang ng headset na wireless sa tenga at nag sound trip

"Hoy" sabi ko pa. Pumikit sya at kumanta kanta

"Ano bang problema mong abnormal ka"

Tapos binatak nya ko sa upuan at nilingon

"You know the rules right?"

"Yup why?"

"But why are you flirting with him?"

"With whom?"

He pinch my cheeks and make me turn to where Gen is. Napansin kami ni Gen at ngumiti sya at kumaway. Nasa dulo kasi sya ngayon eh. Ngumiti na lang kami and he pull me back 

"Anong flirt ang sinasabi mo?" pagtataka ko sa kanya. Ano bang problema nya?

"Yung kanina. Kahit bestfriend ko yun hindi mo sya pwedeng landiin ok? Itatak mo yan sa kokote mo pwede?"

"HUH??????" napatayo kong tanong ano bang sinasabi nya kanina? Yun bang sa...

"Hoy siraulo ka!!" at napasigaw na ko sa inis, napatingin lang sila saking lahat. They fix their eyes on me so Ichi pulled me down

"Keep your voice down"

"You keep your voice down. He just help me on my bag. Yung bag na itinapon mo na lang bigla"

"Tss. Because it's too heavy. How can you bring that heavy?" He asked 

"How can you keep on muttering such non sense?"

"How can you be so forgetful and worthless?"

"How can you be so nosy?"

"Well how can you be so short?" tapos tumawa na sya ladies and gentlemen

Sinuntok ko sya sa balikat at naupo ako. "It's 'why' not 'how' stupid"

"Whehehehe well how can you maintain your ranking ms.rank number 2?" then he laugh out loud

ARGH!!!!! Then I kick his foot hard

"Tayo!!" I said to him almost shouting

"Why?"

"I said stand"

Tumayo naman sya habang tumatawa binatak ko sya then I pull myself in sa window side seat at naupo. 

"Whuuuuuuuut?? hey that's my seat"

I curl myself dahil kasya ako at tumungo. He laugh again

"Wow! Kasya ka ng ganyan??" kahit nakakaasar yung tono nya, eh totoo naman na kasya talaga ako. Sya kasi hindi nya maiyuko yung tuhod nya pataas ng upuan dahil matangkad sya.

"Ok aalis na tayo"

And hoe we go!!

The Rule Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon