"I'm so excited na for tonight!!"
"Yeah! Ako din noh!"
"Kakaunin ka ba ng boyfie mo?"
"Ofcourse noh! with his mirage!"
"Weh? Yung kulay white tapos may nakalagay sa taas na 'TAXI'??"
"Ahahahahaha"
Naglalakad na ako na parang lasing. Mag isa. Walang kasama at wala rin sa wisyo. Wala akong tulog. Nag review ako, andaming tumatakbo sa isip ko at pagod parin ako both physically and mentally. Hanggang ngayon sobrang sama ng pakiramdam ko, mainit ang hininga ko at parang nag aapoy ang mata ko. Oo may sakit parin ako hanggang ngayon dahil tuluy-tuloy ang exams at pag rereview at ayoko naman na umabsent kaya pumasok parin ako kahit feeling ko nakabaon na sa hukay yung isa kong paa.
"Sya yun diba?"
"yup si legendary girl A na nakakuha ng stone"
"Oh my! I'm so excited for the special event mamaya. Kay Chinito Prince nya ibibigay yun diba?"
"Oo naman noh, sila kaya!"
"Pero I bet Megan will do the same"
Ang dami nilang iisa ang pinag uusapan at wag na kayong magtaka dahil ako yun at wala ng iba.
"Oh my here he comes!!"
Nakayuko ako at wala ng pakialam kung sino ang tinutukoy nila.
Naglakad na lang ako ng mabilis para hindi kami mag abot at makauwi narin ako. PInapunta pa kasi ako ni Kuya Raymond sa SC office at tinanong kung handa na ako. Oo na lang ako pero ang totoo nyan hindi ko parin talaga alam.
At ang daming tumatakbo sa isip ko >____<!!
*flashback
"Saia mahal na mahal kita!" tugon ni Gen na seryoso ang mukha
"Ha?????" tanong ko
Binitiwan nya ang pagkakahawak sa pisngi ko at tumingala sya. Hindi ko alam kung bakit pero napatayo narin ako.
"N.....nakihithit ka ba ng katol? Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ko sa kanya
"Saia naman. Hindi ako nagbibiro! Argh! This is very anti-climatic!" sabi nya pa at ginulo ang buhok.
"Gen--"
"Saia, matagal na kitang gusto! Ever since! It was when we met each other sa store"
"Ikaw?"
"Saia right?"
"Ah oo"
"Remember me? I'm Gen"
"it was so sudden na naramdaman ko na mas gusto pa kitang makilala. Na I'm so curious and itching to know about a single person na kakakilala ko lang. And this? To think na marami pala tayong connections. I thought na plan ito ng fate! Alam ko na plano nya to para sakin. Na makakilala ng isang babae na magpapasaya sakin sa napakasimple nyang paraan"
"Gen----"
"I love you Saia" he hold me then yumuko sya at akma na akong hahalikan ng mapapikit ako. Naramdaman ko na natigilan sya at sa noo ako hinalikan. Nag mulat ako at tumingin sa kanya
"Woooh! Kahit anti climatic sa wakas nakapag tapat narin ako sayo. Napaka worth it ng sugat nato hahaha"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
Maya maya pa, may narinig na kami busina at naalarma sya kaya agad syang lumakad sa may pinto sabay lingon sakin
"And oh! This time! I will not let Ichi have you. This time, kahit best friend ko pa sya.........ipaglalaban na kita"
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"