Sa byahe nasa tapat namin sina Megan at Isaiah sa likod si Simon at Gen tapos sa likod nun katapat nila si Phil at yung kaklase nyang student council. Nakapangalung baba ako sa may bintana at nagmumuni muni habang nag sasoundtrip using my ear plugs. May sariling mundo kami ni Ichi ngayon dahil nabwisit nga ako sa kanya kanina. Nakakapeste talaga sya anlakas ng topak at pang asar nya. He was pinching my arms a bunch of times already pero hindi ko sya pinapansin. Tapos bigla nyang sinubsob sa mukha ko yung PS Vita nyang dala.
"Ano ba?!" naiiwas ko yung gadget sa mukha ko at tuluyan nang nilingon sya. Ang ganda ng ngiti nya dahil sa pagkasingkit ng mata nya pero naasar parin ako dahil guguluhin nya lang ako on our entire trip.
"Laro tayo. I link mo yung gadget mo, may dala ka diba?" dala ko din kasi naman talaga sya. At dahil mahilig kami pareho sa archades ay inaasahan nya may dala ako.
"Wala akong dala" tapos tumalikod ako sa kanya at plano ng matulog
"Uy naman Saia" sabi nya and he was shaking my shoulders. Maya maya nanahimik sya bigla, hindi ko sya nilingon kasi mabubwisit lang ako sa pagmumukha nya.
Tapos
"Oh sayo yan diba?" sabi nya sabay sampal sa mukha ko ng .
"Teka san mo to nakuha?"
"Edi sa bag mo. Laro na kasi tayo"
Ay nako san ba pinaglihi tong lalaking to? napakakulit, hindi ka titigilan talaga. Kinuha ko na yung PS Vita ko na nakuha nya sa bag ko malamang at wala ng nagawa kundi ang makipaglaro sa kumag nato
"Yehes!! In yar fays!!" sabi ko after ng pangatlong duel
"Weak kasi yung ginamit ko eh kaya natalo mo ko. Tyamba lang yun"
"Tyamba? Wow ha?" at nagtawanan kaming dalawa. Medyo maingay kami eh, well maingay naman talaga lahat. Si Simon lang ang nag koconcentrate matulog, si Gen kasi nanonood ng movie, si Phil nakikipag kwentuhan at yung dalawa? Nakukwentuhan din with matching holding hands pa.
"Ang galing mo naman talaga babe eh" sabi ni Ichi na medyo malakas, napalingon yung dalawa at ngumiti
"Bakit?" tanong ni Megan
"Eh pano naglalaro kasi kami ng game sa mga gadget namin tapos natalo nya ako"
"Hasler yan, batikan. Madalas din nya ko matalo" sabat ni Isaiah
"Except sa exam" bulong ni Ichi tapos tumawa
"Baliw!!" sabi ko na lang
"Ang sweet nyo naman, before kasi Ichi didn't made me try to do that" Megan said
"Coz it's not your thing. Your a girl"
"Why? She's a girl as well diba?"
"Her?" lumingon sya sakin "Nah, balat kayo lang yan pero inside lalaki yan" sabay tawa nya
"Whehehe pektus you want?"
"Joke lang"
"And besides you didn't even told me that you want to try it right?"
"Ah yeah hahaha oo nga noh?" at nagtawanan silang dalawa. I saw Isaiah's face, feeling left out? Same here no! Parang sila na lang yung nag kwentuhan eh hahaha pero come to think of it, Ichi made our plan go smooth. Halos FC FC na sila ni Megan what a genius dude.
"Pst!!" lumingon si Isaiah and I mouthed the word 'OK KA LANG?"
He just nod and smile 'AKO PA?"
Hahaha oo ikaw pa.
Tapos tumunog yung phone ko na nasa maliit na bag na nakasabit sa sandalan sa harap ko.
"Hello?" sabi ko
"Hahaha guess who?" he mimick some weird voice at lumingon ako sa kanya then he laugh. It was Isaiah
"Why? One Piece ka din ba?"
"One piece?" pagtataka nya
"Out of Place hahaha ok korni"
"Hahahaha medyo, ayoko naman na pag awayan nanaman namin yung pagiging close nila ni Ichi kasi matagal nanaman talaga silang magkakilala diba. Roger" pabulong kasi kami mag usap at nakatalikod, nasa may bintana din kasi yung pwesto nya
"Copy. Oo nga eh, yaan mo na sila ganun naman talaga siguro eh Roger. Kasi ganun din tayo diba"
"Yup same goes for us. Pinag aawayan nyo rin ba? Roger"
"Everyday issue. Roger"
"Oo nga eh, pano ba ko mapapanatag kasi pati kung yan lagi ang kasama mo roger"
"Ha? Andyan ka parin? Never na ba talaga kayo mag kakasundo? Roger"
"IDK" sabay tawa nya ng mahina
"Bakla lang?"
tapos natawa ako ng malakas at napalingon si Ichi, matic na pinatay ko yung phone.
==
Medyo bored na ko, malayo pa ata kami o malapit na ah ewan. Matutulog na lang muna ako pero and problema lang eh. -_____- Nakasandal lang naman po si Isidro sa balikat ko nakahilig yung ulo nya at tulug na tulog. Anlaki naman ng puyat nya kasing tangkad nya. Pano ako matutulog nito?? Nilingon ko yung mala anghel na mukha nya. Oo sa mukha naman talaga sya bumawi ang amu-amo lang at ambait bait. Parang puting damit na malinis, kaso nga lang yung ugali nya puros mantsa hindi na matatanggal pa. Pero come to think of it, bukod kay Megan ako lang ang nakakatiis sa ugali nya, Bakit kaya? Siguro immune lang ako at manhid na sa mga kalokohan nya o kaya dahil sa kontrata at pang bablack mail nya o kaya naman ay dahil may hindi ako malamang dahilan. Pero naalala ko yung sinabi ni Megan dati
"Sana ikaw na yung girl no?"
"Kasi mukhang sayo nakahanap ng katapat si Ichi eh"
Ay naku po! Bakit ba bigla bigla ko nalang naalala yun? Anong nangyayari sakin? Dahil ba sa sitwasyong ito. Wala po itong halong malisya. I shook my head hard at pumikit mulat ng makailang beses and I also slap my cheek softly to try wake myself up. Inaantok lang ako.
"Hoy anlikot mo" bigla syang nagsalita then grab my right arm at halos akapin. Nyiiiiii~~~. Tapos inayos pa yung ulo na nakahilig sa balikat ko at natulog ulit. At dahil tumutumba yung ulo nya eh sinasapo ko sya ng kaliwa kong kamay at binabalik sa balikat ko. Ambigat nya a little help here? Pero dahil mabait sya ngayon kasi tulog ay napangiti na lang ako sa kanya habang pinagmamasdan syang natutulog. Nakasandal lang ako sa back rest pero nakahawak parin yung kamay ko sa noo nya. Lumingon ako sa kabilang side at nakita ko na tulog din sila. Nakasandal si Megan sa balikat ni Isaiah at si Isaiah tulug na tulog na nakasandal sa back rest gaya ko. Hindi ko makita yung maamo nyang mukha habang natutulog ano ba yan.
Pero inantok na ko bigla anong oras na ba? Malapit na daw kami at ngayon pa ako nakaramdam ng antok. Pipikit na yung mata ko. -____-
Pipikit na wait lang wag na =_____=
PIpikit na -_____________-
ZZZZZZzzzzzzzzz........
Legendary Note:
Hey guys! Thanks for reading chapter 63 and 64. Comments and suggestions are welcome. AS ALWAYS. LOL Medyo busy lang po talaga. See you next chapter
----legendarygirl-A
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"