Christmas Vacation na at lumabas na naman yung resulta ng pre board exercise exams for Engineers on different courses. Hindi ko alam kung bakit may ganto silang gimik pero may something like badge kami eh. Top five per course tapos depende sa course yung letter badge. Dapat daw ilagay yun sa may uniform pero pwede rin sa may I.D para hindi halata. Napasama si Simon nun last time pero dahil may pagka petiks nawawala sya then bumabalik.
"Wow!"
"Ang galing nila"
"Ayos talaga"
"Kyaa!!! Ang galing talaga ni Ichi!"
Yan? Yan ang mga naririnig ko sa buong paligid. Tapos na ang exam, wala narin pala akong bandage sa braso so yehey -____- hahaha
"Yes! Napasama nanaman ako woohoo!!" Sigaw ni Simon na nagpalingon sa mga may nasa unahan namin. Ako? Abangan ko nalang sila umalis, maliit ako so hindi gaya ni Simon hindi ko kita ang lahat. Sinabi ko din sa kanya na ako mismo ang titingin kung kasama ako sa rankings. Napalingon sila sakin ngayon at tumitig ng wagas. Mga babae karamihan yung tumitingin
Matic na nag give way sila sakin. Lord sana po top 1 na ako para isasampal ko sa mukha ni Isidro na kaya kong lampasan si Isaiah.
"Congrats Ichi" sabi nung ibang girls tapos nag give way rin sila.
"Congrats Saia" sabi nya sakin na may sincerity sa boses. Tumingin ako mula ulo hanggang paa nya tapos tumakbo sa may Civil Engineer's Top Board.
1. ISAIAH PARALEJAS
2. SAIA MARIE DIMAGUILA
3. NICOLE ZULUETA
4. IVAN GONZALES
5. SIMON SAN JUAN
May umakbay sakin at sinabing "Congratulations, kita mo nga naman, namemaintain mo yung place mo. Ms. Rank Number 2" tapos tumawa sya nga malakas
Tumingin ako sa kanya, pangalawa nanaman ako T___T. Alisin nyo na nga tong pakulo nyong to please? Alam kong nag momotivate kayo na makapag pagraduate ng successful engineers pero ayoko na!. Bakit naman kasi nasama kami agad eh. All year level to ah?
"Yan yung girlfriend ni Ichi diba?"
"Oo nga, sya pala si Saia Dimaguila"
"Oo sya pala yung maliit na laging kasama ni Ichi"
"Answerte nya" ang mga wis-wis ng insekto ay este estudyante ay nasa paligid.
"Legendary couple sila. Parehong nasa top ng engineers pre board exercises"
"At every term silang kasama. Nagulat din ako kasi freshman palang si Girl top 2 na agad lagi"
Tuggggss!!!!! (Arrow strikes at my head) TOP 2?? Kahit 5 nalang pwede pa. T____T
Ichi pulls me then hold my hand
"I'm proud of you" sabay kiss nya sa cheeks
"Oooooohhhhh" yan ang reaksyon ng lahat
Umalis sa rin kami afterwards
===
"Congratulations Saia. Kita mo nga naman, number 2 ka nanaman? Kung nalaman ko lang ng una una pa na favorite number mo yang 2 edi sana 2 nalang ang naging monthsarry natin diba? Oh wait 22 nga pala so may 2 parin. Dalawa pa hahahahaha" At pinabayaan ko sya sa kahibangan nya, porket top 1 sya lagi ganun na umasta sakin, tska iba kami ng course malay ba nya kung mas mahirap ang inaaral namin, may mga special board exams kasi kami per terms so nakakaiyak talaga sa mega review pag malapit na ang term kaya may ganun silang board. Pinapatay nila ng maaga ah este pinagsisikap nila ng maaga ang estudyante kaya every year halos laging 99.9% ang pumapasa sa board. Parang exercise lang naman sya pero big deal din samin.
BINABASA MO ANG
The Rule Number 22
Romance"Just because we appear as lovers, doesn't mean we really are. I overheard something, he overheard something then BAM! We're now in a relationship"